Nakatanggap ng pagbati ang aktres na si Sunshine Cruz mula sa kanyang celebrity friends matapos i-grant ng korte ang kanyang petition for annulment ng kasal nila ng aktor na si Cesar Montano noong September 18.
Inabot din ng apat na taon bago na-annul ang kasal nina Sunshine at Cesar.
Nang i-post ng 41-anyos na aktres ang tungkol sa magandang balita sa Instagram, nagpahayag ng pagbati at kasiyahan ang kanyang mga kaibigan na sina Ara Mina, Samantha Lopez, Ana Roces, at ang pinsan ni Sunshine na si Geneva Cruz.
View this post on Instagram
Samantala, sa isang post ni Sunshine, may isang netizen ang nagkomento at sinabihan ang aktres na huwag munang magpapakasal agad sa kanyang nobyong si Macky Mathay ngayong annulled na siya.
Pero sagot dito nina Sunshine at Macky, “In God’s perfect time.”
