Sanay na sa atensyon at sigaw ng mga tagahanga ang mga artista tulad nina Gretchen Barretto at Kris Aquino. Sa isang sambit lang ng "action" ay nagagawa nilang gampanan ang mga buhay ng iba't ibang karakter at tao.
Pero sa likod ng kinang ng tagumpay, mayroong mga kuwentong hindi nasisilayan ng publiko. Paano nga ba ang buhay nila kapag hindi nagda-drama o nagpapatawa?
Samahan ang Star Patroller na si Marie Lozano sa kanyang ulat sa buhay nina Gretchen at Kris sa likod ng kamera ngayong Martes (November 9) sa Patrol ng Pilipino. Alamin kung tulad sa pelikula at TV ay puno rin ng ganda, saya, at intriga ang kanilang pribadong buhay.
Tulad ni Marie, papasukin din ng kapwa TV Patrol reporter na si Marc Logan ang mundo ng isang performer sa pelikula at entablado na si Vanessa. Tulad ng mga ginagampanan niya, nakakatawa rin kaya ang kuwento ng buhay niya?
Kung glamoroso ang mundo ng mga artista, ano naman ang katotohanan sa likod rin ng kamera ng mga reporter na nag-co-cover sa mga artista? Ibabalita iyan nina Marie Lozano at Marc Logan ngayong Martes (November 9) sa Patrol ng Pilipino, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.