Hindi na tatakbo sa anumang posisyon sa darating na 2019 mid-term elections ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na nauna nang napabalitang tatakbo bilang senador sa ilalim ng Liberal Party [LP].
Sa eksklusibong pakikipag-usap ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, October 5, sa pamamagitan ng Facebook messaging, sinabi niyang ang pamilya muna ang aasikasuhin niya lalo na't buntis na sa kanilang magiging pangalawang anak ang asawang si Marian Rivera.
Maiksing sabi ni Dingdong, “Pagiging ama at asawa muna.”
Nauna na ring pinabulaanan ni Dingdong ang kanyang pagtakbo sa senado noong nakaraang Setyembre.
Ito ay kasunod sa pag-anunsiyo ng mag-asawa na magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang si Zia Dantes.
