Tatlong taon na palang hindi aktibo sa paglabas sa telebisyon ang Kapamilya star na si Melissa Ricks.
Huling napanood si Melissa sa teleseryeng Honesto noong 2013 at sa huling guesting niya sa Maalaala Mo Kaya noon pang 2015.
Produkto si Melissa ng kauna-unahang reality artista-search ng ABS-CBN na Star Circle Quest noong 2004 kunsaan ang winner ay si Hero Angeles. Umabot si Melissa sa Top 5.
Ang iba pang mga ka-batch ni Melissa ay sina Sandara Park, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Michelle Madrigal, Joseph Bitangcol, Neri Naig, Raphael Martinez at Errol Abalayan.
Kabilang sa mga pinagbidahang teleserye ni Melissa ay ang Kambal Sa Uma, Tanging Yaman at Nasaan Si Elisa?
Nakasama rin si Melissa sa mga teleseryeng Da Adventures of Pedro Penduko, Iisa Pa Lamang, Rounin, Princess Sarah, Noah at Walang Hanggan.
Isang single parent si Melissa sa kanyang daughter na si Keira at dumaan pala ito sa matinding depression na nag-ugat sa maraming emotional at physical problems.
Ang paggawa ng vlogs ang pinagkakaabalahan ni Melissa ngayon.
Noong nakaraang September 10 and 13 ay pinost ng 28-year old actress sa kanyang Instagram account ang pagkakasama at pagtapos niya sa isang crash course in video production via YouTube NextUp Camp.
Sa isang IG post din ay makikitang umiiyak si Melissa sa last day ng YT NextUP Camp.
Sa isang mahabang mensahe on IG, kinuwento ni Melissa kung ano ang mga naging dahilan ng kanyang pagtalikod sa showbiz at kung ano na ang mga plano niya para sa kinabukasan niya at sa kanyang anak.
Kahit hindi na aktibo si Melissa sa pag-aartista, in touch pa rin ito sa kanyang mga naging kaibigan sa showbiz, partikular na sa news reporter na si Gretchen Fullido na kelan lang ay nagsampa ng sexual harassment case sa ilang news executives ng ABS-CBN.
Pinost ni Melissa ang isang photo nila ni Gretchen na nasa beach sila at heto ang kanyang mensahe ng pagsuporta para sa kanyang kaibigan:
