Balik sa local government si Senator Francis "Chiz" Escudero ngayong magtatapos na ang kanyang termino bilang senador.
Tatakbo siya bilang gobernador ng Sorosogon sa 2019 elections.
Ngayong Biyernes, October 12, naghain si Senator Escudero ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Election (COMELEC) Sorsogon Provincial Office, sa Sorsogon City.
Sinamahan siya ng kanyang maybahay, ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.
Bago naging senador, nagsilbi munang kongresista si Chiz sa first district ng Sorsogon taong 1998 hanggang 2007 o tatlong termino.
Noong 2016 national elections, tumakbo si Chiz bilang vice president ngunit hindi siya pinalad.
