Cacai Velasquez-Mitra reveals factors why Regine left GMA-7

by Rey Pumaloy
Oct 18, 2018
Cacai Velasquez-Mitra says lack of leading men at GMA-7 a factor in limiting sister Regine Velasquez's projects. This was a big consideration in Regine's transfer to ABS-CBN.

Binigyang linaw ni Cacai Velasquez-Mitra ang naging desisyon nila ng kapatid na si Regine Velasquez-Alcasid na lumipat ng ABS-CBN mula sa dati nitong network na GMA-7.

Bukod sa pagiging magkapatid, si Cacai rin ang tumatayong business-manager ng Asia's Songbird.

Mula nang magdesisyon si Cacai na huminto sa kanyang singing career, siya na ang nag-take over ng pagma-manage ng career ni Regine.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cacai matapos ang presscon proper ng opisyal na paglipat ni Regine sa Kapamilya network kahapon, October 17, sinabi nitong matagal din bago nabuo ang pagpirma ng kapatid sa ABS-CBN.

Pahayag nito, “Matagal, kasi ang tagal naming nag-decide, e.

“So, nagpaalam muna kami bago ako nag-mediation [sa ABS-CBN], e.”

Bilang manager, sinamahan ni Cacai si Regine sa pagpirma nito ng kontrata noong hapon, na sinundan ng grand media conference sa Dolphy Theater kinagabihan.

Ayon kay Cacai, inabot din ng ilang buwan bago sila nakipag-meeting sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Anya, “Mga two months or three months ago?

“Mga ganun. Matagal, medyo matagal-tagal.”

Patuloy pa niya, “ Actually, yung network contract [sa GMA-7] ended talaga end of January. Medyo matagal na.

“But meron syang existing contract, ano lang, show contract with Sarap Diva that ended ng mga June.

"That’s the only time I negotiated [with ABS-CBN]."

Ang Sarap Diva ay ang celebrity cooking talk show kung saan si Regine ang host.

“Show contract yun,” paliwanag pa ni Cacai.

“But still, alam mo naman ang mga show contract, meron pa ring exclusivity yun, e, di ba?

“So, parang pina-pass lang.

“Saka hindi rin siya... kasi ilang beses ring nagtsi-change yung isip [ni Regine].

“It was a difficult decision, di ba?” pagtukoy ni Cacai sa pagkalas nila sa GMA-7.

“So, nung na-decide na niya, that’s the only time na nag-meeting kami.

“So, long process pa rin naman yun, e.

"Siyempre kapag may meeting, nagpi-present. The other side presented, ganun.”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

NOT ABOUT THE TALENT FEE

Iginiit ni Cacai na walang kinalaman sa contract price offer o talent fee ni Regine ang desisyon nitong lumipat at iwan ang dating network.

Paglilinaw ng dating recording artist, “Nothing to do with the TF [talent fee] anymore... eto yung decision niya na nothing to with the TF anymore.”

Pero inamin ni Cacai na naging basehan ang talent fee noong una, ngunit hindi malinaw kung sa naging renewal offer ba ng GMA-7 o sa inihain ng ABS-CBN.

Sabi lang niya, “It was a factor before but ang talaga sa kanya is to work with other artists, yun talaga.”

Sinegundahan ni Cacai ang naging statement ni Regine sa presscon proper, na gusto nitong makasama pa ang ibang stars habang aktibo pa siya sa industriya.

Ito ang isang malaking dahilan ng pagpirma niya sa Kapamilya.

“Dun talaga kami na-limit kasi, e,” na ang tinutukoy nito ay ang dating posisyon ni Regine sa Kapuso network.

Continue reading below ↓

“Kunwari yung pag soap, sinong puwedeng i-partner? Yung ganun ba?

“In terms of project, nali-limit din.

“You’re limited to the characters also kasi yung leading man, medyo kapos.”

Natawa si Cacai sa sinabi dahil sa term na ginamit nito, panay ang sambit nitong baka masalang siya sa issue.

Marami pa sanang tanong ang PEP.ph kay Cacai pero hinila na ito ng isa sa mga staff ng ABS-CBN.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cacai Velasquez-Mitra says lack of leading men at GMA-7 a factor in limiting sister Regine Velasquez's projects. This was a big consideration in Regine's transfer to ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results