Arnell Ignacio defends Regine Velasquez from bashers

by Arniel C. Serato
Oct 18, 2018
Arnell Ignacio on Asia's Songbird Regine Velasquez: "Trabaho niya kumanta at may bayad yun natural. Kung malaki ibabayad sa kanya ano nakakapagtaka run. E, si Regine Velasquez yan."

Ipinagtanggol ni Arnell Ignacio si Regine Velasquez laban sa bashers na binabatikos ang Asia's Songbird dahil sa desisyon nitong lumipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Opisyal nang Kapamilya si Regine matapos pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN kahapon, October 17.

Ayon sa ilang netizens, parang wala raw utang na loob si Regine dahil iniwan nito ang GMA-7 na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon at nagpasikat sa kanya nang husto.

Sa kanyang Facebook post ngayong Huwebes, October 18, sinabi ni Arnell na tama lang ang naging hakbang ng kaibigang singer-actress.

Ayon pa sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director, wala nang paglalagyang programa kay Regine sa GMA-7 upang ma-highlight ang talento nito sa pagkanta.

Buwelta ni Arnell sa bashers, “Yung mga bumabatikos kay Regine na ang sasakit ng sinasabi pero walang nalalaman sa kalakaran ng entertainment, e, ang sasarap niyong pagsasampalin.

“Saan mo ba lalagay si Regine sa programa ng 7 sige nga?

Continue reading below ↓

“Saan mo siya pakakantahin na programa ng 7?

“Ano naman yung comment ng ‘paiyak-iyak pa, I see the peso sign?’

“Sarap mo dagukan. Ano ba sa tingin niyo si Regine, welfare officer?

“Trabaho niya kumanta at may bayad yun natural.

“Kung malaki ibabayad sa kanya ano nakakapagtaka run.

“E, si Regine Velasquez yan.”

Kasunod nito, sinabi rin ni Arnell na pinagdaanan ni Regine ang lahat ng hirap sa industriyang ito kaya dapat ay respetuhin ang mga desisyon nito.

Saad niya, “Regine is a friend of mine way back na Chona Velasquez pa yan at sinisingit singit lang namin sa sing-along sa BBs kapag wala na kaming joke.

“This woman went through all the test of an entertainer and she passed all these with exemplary grades with even more to give.

“Sa inyo na walang alam be, thankful that we have Regine Velasquez.

“Listen to her singing enjoy it and shut up.”

Continue reading below ↓

Nagpasintabi rin si Arnell sa mister ni Regine na si Ogie Alcasid dahil hindi niya napigilan ang sariling ipagtanggol ang kaibigan.

Aniya, “Sensya na bro Ogie Alcasid hindi ko na napigilan.”

Si Arnell ay dati ring contract artist ng GMA-7.

Ilan sa mga programang ginawa niya sa Kapuso network ay ang game shows na GoBingo, Golympics, Text Game Show, at K! The 1 Million Peso Videoke Challenge.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio on Asia's Songbird Regine Velasquez: "Trabaho niya kumanta at may bayad yun natural. Kung malaki ibabayad sa kanya ano nakakapagtaka run. E, si Regine Velasquez yan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results