Ai-Ai delas Alas replies to netizen criticizing Regine Velasquez network transfer

by Rachelle Siazon
Oct 19, 2018
Ai-Ai delas Alas says is happy with GMA-7; reacts to Regine Velasquez's decision to transfer to ABS-CBN. 

Hindi maiwasang magbigay ng reaksiyon si Ai-Ai delas Alas sa desisyon ni Regine Velasquez na lumipat ng ABS-CBN pagkatapos ng 20 taon bilang Kapuso.

Ito ay matapos kulitin si Ai-Ai ng kanyang Instagram followers kung may plano rin ba siyang sumunod kay Regine sa Kapamilya network.

Sa kanyang Instagram wall kahapon, October 19, isang netizen ang nagkomento na "hindi matutumbasan ng kahit anong pera na itatapat ng kabila" ang "peace of mind at saya" ni Ai-Ai bilang Kapuso.

Sumang-ayon si Ai-Ai sa sinabi ng netizen na "blessed" siya sa punto ng kanyang buhay ngayon.

Continue reading below ↓

Pero ipinaliwanag din ni Ai-Ai na posibleng hindi lang "pera" ang dahilan kung bakit lumipat si Regine sa ABS-CBN.

Aniya, "...siguro hindi naman pera ang dahilan baka gusto nya lang ma explore pa yung talent nya sa ibang network."

Pagkatapos ay siniguro ni Ai-Ai na nananatili siyang solid Kapuso.

Kaugnay ito ng hirit ng isa pang netizen na bumalik na siya sa ABS-CBN dahil ang beteranang comedienne "nalng ang naiwan" sa Kapuso network.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Ai-Ai, "hehe ok na po ako sa gma hehe"

Sumang-ayon si Ai-Ai sa komento ng ilan pa niyang Instagram followers na nagsasabing "Sa gma dyan nabuo ang swerte mo yung house and lot mo dati nadagdagan na ng husband and business dumami pa."

May nagsabi pa na hindi raw puwedeng iwan ni Ai-Ai ang tinagurian niyang "kambal" at Sunday PinaSaya co-host na si Marian Rivera.

Sagot naman ni Ai-Ai, "planguk!![heart and smile emojis]"

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas says is happy with GMA-7; reacts to Regine Velasquez's decision to transfer to ABS-CBN. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results