Ilan sa mga kasamahan ni Regine Velasquez sa industriya ang nagpahayag ng galit at lungkot sa pamba-bash na natamo ng singer-actress.
Nauna nang nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Instagram post ni Regine kaninang madaling-araw, October 28, kung saan masasakit na salita ang natanggap niya mula sa isang netizen na may handle name na "@cheskaazurin."
Una sa mga celebrity na nag-comment sa post ni Regine ay ang asawa niyang si Ogie Alcasid, na nakiusap na siya na lang ang ibash at tigilan na ang Asia's Songbird.
Ilan pa sa mga nag-react sa post ni Regine ay ang mga Kapamilya singers na sina Daryl Ong, Jed Madela, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Kakai Bautista, at Erik Santos.
Ang mga dating kasamahan ni Regine sa GMA-7 na sina Tetay at Angelu de Leon ay nagpahayag din ng lungkot sa pamba-bash kay Regine.
Ito ang unang pagkakataong sumagot si Regine sa pambabatikos sa kanya matapos niyang lumipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7, na kanyang naging home network sa loob ng 20 taon.
