Ipinagluluksa ng Philippine showbiz ang pagkamatay ng legendary OPM singer na si Rico J. Puno.
Pumanaw si Rico ngayong Martes ng madaling-araw, Oktubre 30.
Sa pamamagitan ng social media, nag-post ng mensahe ng pakikiramay at nagbigay-pugay ang ilan sa mga kasamahan niya sa industriya pagkatapos lumabas ang balita ng kanyang pagpanaw.
Ilan sa nagbigay ng mensahe para kay Rico ay ang malalaking pangalan sa music industry na sina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Lea Salonga.
Halos karamihan sa kanila, lalo na ang male singers, ay naimpluwensiyahan ng mga awitin at performance ni Rico.
Narito ang mensahe nila para sa yumaong Total Entertainer:
