Aiko Melendez remembers late dad Jimi Melendez on his birthday

by Arniel C. Serato
Oct 31, 2018
Aiko Melendez remembers late dad Jimi Melendez on his 60th birthday: "And if not for you wala ako sa mundong ito. Kaya ngayon birthday mo I want to honor you Papa! I love you so much. Can't help but be emotional today. That I can't even tell you all these but happy na din, tapos na ang mga hirap sa buhay and I gained myself an angel in you."

Emosyunal si Aiko Melendez kapag dumarating ang araw ng October 31.

Ito kasi ang kaarawan ng kanyang namayapang ama—ang dating aktor na si Jimi Melendez.

Namatay si Jimi noong August 23, 1997.

Naikuwento noon ni Aiko sa mga panayam sa kanya na may "kinalaman" siya sa pagkamatay ng ama.

Nasa ospital daw noon si Jim na nagpapagaling sa kanyang karamdaman na liver cancer at nakatakda na raw lumabas ng ospital kinabukasan.

Habang kumakain ay pinapanood ni Jimi sa TV ang Maalaala Mo Kaya: The Movie, kung saan kasama sa cast si Aiko.

Dahil sa mga nakakaiyak na eksena ni Aiko, nabilaukan daw si Jimi na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Limang minuto pagkatapos pumanaw ng kanyang ama ay saka dumating si Aiko sa ospital.

"So, I missed him by five minutes sa hospital," sabi niya noon sa isang panayam.

Sa kanyang Instagram ngayong araw, nagbahagi ng birthday message si Aiko para sa yumaong ama.

Continue reading below ↓

Sabi ng aktres, “Dati nung bata pa ako lagi nila sinasabi, ‘Ahh yung anak ni Jimi Melendez, si Aiko Melendez.

“Ngayon, sa Google if you search My dad’s name, pictures ko na lumalabas pero kahit ano pa sabihin nila Papa, ikaw pa din ang malupet sa kaguwapuhan.

“I thank your genes, if not for you then I guess, I wouldn’t even have a spot here in our industry.

“And if not for you, wala ako sa mundong ito.

"Kaya ngayon birthday mo, I want to honor you Papa!

“I love you so much. Can’t help but be emotional today.

"That I can’t even tell you all these but happy na din, tapos na ang mga hirap sa buhay and I gained myself an angel in you.

“Cheers Papa! Happy Happy Birthday:)”

Ilan sa mga nagawang pelikula noon ni Jimi ay ang mga sumusunod: Diborsyada (1979), Underage (1980), Bilibid Boys (1981), Playgirl (1981), Pabling (1981), Relasyon (1982), Diary of Cristina Gaston (1982), Muling Buksan ang Puso (1985), Yesterday Today and Tomorrow (1986), at Gatas (1988).

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Aiko Melendez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez remembers late dad Jimi Melendez on his 60th birthday: "And if not for you wala ako sa mundong ito. Kaya ngayon birthday mo I want to honor you Papa! I love you so much. Can't help but be emotional today. That I can't even tell you all these but happy na din, tapos na ang mga hirap sa buhay and I gained myself an angel in you."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results