Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted grocery shopping

by Nikko Tuazon
Nov 3, 2018
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna, who are both on leave from showbiz, were spotted by fans doing grocery shopping. Some netizens claim the two even brought along their baby, Elias Modesto.

Namataan ang showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna habang naggu-grocery.

Kahit on leave sa showbiz at wala sa limelight sina John Lloyd at Ellen, hindi pa rin maiwasan ng ilang netizens na kunan sila ng larawan tuwing nakikita sila sa mga pampublikong lugar.

Kahapon, November 2, dalawang magkahiwalay na larawan nina John Lloyd at Ellen ang ipinost sa Instagram page na @ellen_johnlloyd.

Ang nasabing Instagram page ay naglalaman lamang ng mga larawan na may kaugnayan sa dalawa.

Sa bagong photos na na-upload, makikita sina John Lloyd at Ellen habang namimili sa isang supermarket.

Parehong side profile lamang ang kuha sa dalawang larawan ,ngunit hindi maipagkakailang sina John Lloyd at Ellen ang mga ito.

Sa isang larawan, makikita si John Lloyd na nakasuot ng pulang sumbrero, itim na sando, at printed short. May hawak siyang bote ng ketchup.

Kapansin-pansin din ang stroller na nasa tabi niya.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Si Ellen naman ay nakasuot ng all-black outfit.

Base sa comments, kasama ng dalawa ang kanilang baby na si Elias Modesto dahil may tulak na stroller si Ellen.

Mahigit isang taon nang hindi aktibo sa showbiz sina John Lloyd at Ellen mula nang mapabalitang buntis ang sexy star at magdesisyon ang aktor na magpahinga muna sa showbiz.

Continue reading below ↓

Ngunit may mga pagkakataong namamataan sila ng netizens at ina-upload ang mga larawan nila sa social media.

Nitong mga nakalipas na linggo lamang ay kumalat sa social media ang mga larawan ni John Lloyd kung saan bumibili siya ng prutas, kumakain ng balut, nakasakay sa jeepney, at naghihintay na maluto ang binili niyang turon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna, who are both on leave from showbiz, were spotted by fans doing grocery shopping. Some netizens claim the two even brought along their baby, Elias Modesto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results