Netizens speculate about Paolo Ballesteros's photo with non-showbiz guy

by Bernie V. Franco
Nov 4, 2018
A photo of Paolo Ballesteros with a non-showbiz guy is now making the rounds on social media, and netizens are now asking if he is the new boyfriend of the Eat Bulaga! host.

Naiintriga ngayon ang netizens dahil sa pagpu-post ng isang lalaki ng larawan nila ng Eat Bulaga! host na si Paolo Ballesteros.

Tanong ng netizens: ito ba ang bagong boyfriend ni Paolo?

Kenneth Gabriel Concepcion ang pangalan ng lalaking nag-post ng larawan nila ni Paolo sa Facebook noong October 28.

Kuha ang larawan sa isang restaurant sa Quezon City.

Caption dito ni Kenneth: “May nagpapicture sakin, pinagbigyan ko na eme #Oso #Muning.”

Continue reading below ↓
IMAGE Photo from Kenneth Gabriel Concepcion Facebook

Nag-comment naman dito si Paolo ng kiss emoji.

Bunsod nito, tinukso ng ilang netizens ang dalawa.

Continue reading below ↓

Base sa ibang posts ni Kenneth, “oso” ang tawag niya sa sarili.

Ayon naman sa nagkomentong netizens, ang tinutukoy na “muning” ni Kenneth ay si Paolo.

Kilalang cat lover ang 35-anyos na si Paolo, na may mga alagang pusa.

Sa isa pang Facebook post ni Kenneth nitong November 2, nagbiro itong naka-“house arrest” siya.

Sa comments section, nag-send si Paolo ng GIF na isang taong pumapalakpak.

Pinusuan ito ni Kenneth.

Sa sumunod na comment, sinabi ni Paolo na “Berigood” na may kiss emoji.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram account, inilarawan ni Kenneth ang sarili bilang isang “nurse,” “agent,” “sales,” at “righteous.”

Pinapa-follow rin siya ni Paolo sa Instagram.

Sa pamamagitan ng private messaging, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Kenneth upang kunan ng pahayag tungkol sa pagtutukso sa kanila ni Paolo at kung ano ang kaugnayan niya sa TV host-actor.

Wala pa kaming natatanggap na sagot.

Noong 2017 na-link si Paolo sa dancer na si Roland Ochoa Anog matapos lumabas sa social media ang mga larawan nilang magkasama.

Nag-post pa si Paolo ng mga larawan nilang may matching rings at tattoo.

Na-link din sa Paolo sa model-actor na si Sebastian Castro noong April 2018 nang lumabas ang mga larawan ng dalawa na magkasama sa La Union.

June naman nang mapabalita ang diumano’y paghihiwalay nila ni Sebastian dahil sa makahulugang post ni Sebastian tungkol sa breakup.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A photo of Paolo Ballesteros with a non-showbiz guy is now making the rounds on social media, and netizens are now asking if he is the new boyfriend of the Eat Bulaga! host.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results