Ginunita ni Arnel Principe-Cowley ang first death anniversary ng kanyang asawang si Isabel Granada ngayong Linggo, November 4.
Kalakip ng Facebook post ni Arnel ay ilang larawan nilang mag-asawa.
Hindi pa rin daw niya malilimutan kung gaano kasakit nang makita kung paano bawian ng buhay si Isabel.
Buong post ni Arnel: "Today is your first year in heaven my baby Isabel Granada.
"I will always remember how I saw your heart stopped beating and seeing you taking your last breath.
"It was the most excruciating pain I felt in my entire life and how I felt so helpless.
"Please keep guiding me and lead me to the right path where I can also be at peace with myself.
"Mahal na mahal kita."
Pumanaw si Isabel noong November 4, 2017, 6 p.m. (Qatar Time), sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar.
Bigla na lamang nag-collapse ang actress-singer noong October 24, 2017.
Halos dalawang linggo nasa comatose ang aktres dahil sa aneurysm bago siya tuluyang binawian ng buhay.
Siya ay 41-anyos.
Maagang pinasok ni Isabel ang showbiz noong mid-1980s.
Lubos siyang nakilala dahil sa pagiging bahagi ng That’s Entertainment, ang defunct youth-oriented show ng GMA-7.
