Nasa Pilipinas ngayon ang French boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre Emmanuel Plassart.
Sa Instagram post ni KC ngayong Linggo ng gabi, November 4, makikita silang magkasama ni Pierre at naliligo sa may waterfalls.
Caption ng 33-anyos na aktres, “Surprise trips. Secret waterfalls. Fun times.”
Nag-post din si Pierre ng larawan sa resort na pinuntahan niya.
May netizen na nagtanong kung ang kuha ni Pierre ay sa Thailand.
Sagot ng French filmmaker: “Better! Philippines.”
Hindi naman tinukoy ni KC kung saang resort sila nagbabakasyon ngayon ni Pierre, subalit may isang netizen na nagkomentong ang lugar ay sa San Benito Farm sa Lipa City, Batangas.
Nito lamang August ay kinumpirma ni KC na magkarelasyon na sila ni Pierre.
Aprubado naman sa ina ni KC na si Sharon Cuneta si Pierre na aniya ay matagal na nilang kakilala.
