Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Rico J. Puno's daughter recalls last moments of OPM icon

by Jerry Olea
Nov 5, 2018
Tosca Puno on late dad Rico J. Puno: "Napaka-loving niyang dad. He tried to spend time with us... and I'm thankful. I'm thankful."

Masaya ang lamay kay Rico J. Puno sa Capilla del Señor, Santuario de San Antonio Parish, Forbes Park, Makati City.

Panay-panay ang awitan ng mga kapamilya at kaibigan ng Total Entertainer.

Ipinagdiriwang doon ang buhay at musika ni Macho Guapito.

Noong Nobyembre 3, Sabado ng gabi, napanood ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sunud-sunod na pag-awit ng mga anak niyang sina Tosca at Jason, at kapatid na si Jun Puno.

(Left) Jason and Tosca Puno; (right) Jun Puno
IMAGE Jerry Olea
Continue reading below ↓

Sabi ni Jason, “Hindi talaga ako kumakanta, pero kung andito siguro si Papa, magagalit yun pag hindi ako kumanta.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Kaya pagpasensiyahan po ninyo yung boses ko.”

Nag-enjoy sa pakikinig ang legal wife ni Rico na si Doris Tayag-Puno at ang talent manager ng singer na si Norma Japitana, na magkatabi sa front row.

Norma Japitana and Doris Puno-Tayag
IMAGE Jerry Olea
Continue reading below ↓

Medyo sumama na ang pakiramdam ang isa pang anak ni Rico na si Rox noong Sabado, fourth night ng lamay, dahil sa puyat at pagod.

Masayang sambit ni Tosca, “Impromptu lang po yung mga kantahan namin. Beautiful pala yung ganun?”

Noong Biyernes, Nobyembre 2, kinanta ni Tosca yung "Ikaw" (awit ni Sharon Cuneta, hindi yung wedding song ni Yeng Constantino) na favorite song ni Rico J.

Dagdag ni Tosca, “May isang kumanta. Pangalan, Roy. Kaboses niya si Papa.

"So, ang ginawa ko, ipinikit ko ang mga mata ko at in-imagine ko na siya ang kumakanta.

"So, music talaga will always be a part of our family... That’s how I will remember Papa.”

Tosca Puno singing "Ikaw" to her late father
IMAGE Jerry Olea
Continue reading below ↓

Naniniwala si Tosca na hindi sila mumultuhin ni Rico J dahil payapa at happy ito, saan man ito naroroon.

Kaya tuluy-tuloy ang kantahan nila para kay Rico.

Kaabang-abang ang musical tribute at eulogy sa Nobyembre 7, Miyerkules ng 6 p.m.

“Gusto ni Papa iyan,” matamang pakli ni Tosca.

“Kasi po, si Papa, nagkaroon siya ng bar before, Chico Rico. So, gusto niya laging may kantahan... every night

“This is a fitting wake for Papa — to celebrate his music.”

THE LAST MOMENTS

Noong nakaratay si Rico sa ospital, palagi silang nagdu-duet ni Tosca bilang bonding nila.

Napangiti si Tosca, “Noong hapon bago siya pumanaw, dalawa lang kami sa ICU, sabi ko, ‘Papa, alam mo ba yung verse na Matthew 11: 28 to 30?’

“Come to me all of you who are weary and tired and I will give you rest...

“Sabi ko, ‘Papa, di ba, kanta iyon ni Basil [Valdez)]?’ Yung 'come to me all of you who are tired...'

Continue reading below ↓

“'Tapos, kumanta kaming dalawa sa ICU. That was our last duet.

“He passed away with the thought of God, with family.

“Pag-uwi ko noon, hindi ako makatulog. So I called him around mga 11 o'clock.

“Ang mga last words ko sa kanya, ‘Papa, love ka ni God. Maraming plano si God sa iyo. I love you!’

“Mga ganyan-ganyan. 'Tapos po, after a few minutes, tumawag yung cousin ko.

“Sabi niya, ‘Ate, nire-revive na si Tito.’

“That was around 12:00... 12:30... parang na-shock po ako, na parang hindi po totoo.

“Pero I knew that we had to go through it. Kasi, kailangang magpakatatag po kami talaga, e.

“So I called my mom. Sabi ko, ‘Mama, what should I do?’ Sagot niya, ‘Pagod na ang daddy mo.’

“I was hoping na isa pa po, isa pa po! Baka ma-revive!

“But, sabi ni Mama, ‘Kawawa ang Papa mo.’

“Napaka-loving niyang dad. He tried to spend time with us... and I’m thankful. I’m thankful.”

Continue reading below ↓

Ihahatid si Rico J. Puno sa kanyang huling hantungan sa Heritage Memorial Park, Taguig City, Huwebes, Nobyembre 8.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tosca Puno on late dad Rico J. Puno: "Napaka-loving niyang dad. He tried to spend time with us... and I'm thankful. I'm thankful."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results