Tinuldukan na ni Neil Arce ang usap-usapang hiwalay na sila diumano ng aktres na si Angel Locsin.
Ngayong Lunes ng umaga, November 5, nag-post si Neil sa Instagram ng kanilang larawan ng kasintahan mula sa bakasyon nila sa Amerika.
Caption niya rito: “Hey World... look How beautiful my girlfriend is :) and guess what she’s also an Angel!”
View this post on InstagramHey World... look How beautiful my girlfriend is :) and guess what she’s also an Angel! ??????
Nagkomento rito ang Kapamilya actress.
Mensahe ni Angel kay Neil, "Proud to be yours #nakakaumaynacheesy"
Kkahapon, November 4, si Angek naman ang nag-post ng larawan nila ng boyfriend na namamasyal sa Universal Studios Hollywood, sa Los Angeles, California.
Ang tanging inilagay niyang caption dito ay dalawang emojis.
Umugong ang diumano’y hiwalayan nina Angel at Neil dahil hindi na raw madalas mag-post ng mga larawan nilang magkasama ang dalawa sa kani-kanilang social media accounts.
Ngunit hindi sila nagbigay ng anumang pahayag sa media.
Idinaan nila sa pagpu-post ng bagong videos o litrato nilang magkasama ang pagtanggi sa balita.
