Paul Salas breaks silence on breakup with Barbie Imperial

by Arniel C. Serato
Nov 8, 2018
Paul Salas to ex-girlfriend Barbie Imperial: "Happy nga ako sa mga achievements mo sa life and sana magtuluy-tuloy ang pag-akyat ng career mo."

Pabirong itinanggi ni Paul Salas, 20, na naghiwalay sila ni Barbie Imperial, 20.

Ito ay dahil hindi naman daw sila umamin publicly na naging sila.

Natatawa niyang sabi, “Parang hindi naman namin inamin na kami!"

Pero seryoso niyang dagdag, “Naging special si Barbie sa puso ko so, ayun, di lang talaga nag-work.

"Pero happy ako sa mga achievements niya sa life ngayon."

Bakit ba sila “naghiwalay” noon?

Tugon ni Paul, “Hindi lang kami nag-work. Yun.”

Kasabay ng kanilang breakup ay naging malaking balita ang pananakit diumano ni Paul kay Barbie.

Sa kabila ng mga akusasyong ito, nananatiling tahimik si Paul.

Ayon sa binata, hindi na raw sila nakapag-usap pagkatapos nito.

Humingi ba siya ng dispensa sa Kapamilya actress?

Sagot ng Kapuso actor, “Hindi... Actually, nung una kasi, okay naman kami, okay naman po, napag-usapan naman naming okay kami."

Pero pag-iwas ni Paul, "Basta po mga about sa ganyan [intriga], ayoko na po munang anuhin [pag-usapan].”

Continue reading below ↓

Dahil sa pangyayari, na-bash nang husto si Paul.

Ngunit ayon sa aktor, “Wala, dini-deadma ko na lang.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul sa presscon ng The Color Run Hero Tour sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City, ngayong Huwebes ng hapon, November 8.

Ang The Color Run Hero Tour ay pinamamahalaan ni Dingdong Dantes ng YesPinoy Foundation, Inc. (YPF) at ng asawa nitong si Marian Rivera.

Gaganapin ito sa November 18 sa McKinley West, Taguig City.

HAPPY FOR BARBIE

Samantala, nauugnay ngayon si Barbie sa leading man niya sa katatapos lang na ABS-CBN drama series na Araw Gabi, si JM de Guzman.

Ano ang masasabi ni Paul tungkol dito?

Tugon niya, “Iyan, wala akong balita diyan. Kung sila at happy sila, e, di good luck sa kanila.”

Nagpaabot rin ng mensahe ang binata sa dating girlfriend.

Sabi ni Paul, “Ayun, happy nga ako sa mga achievements mo sa life, and sana magtuluy-tuloy ang pag-akyat ng career mo.”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas to ex-girlfriend Barbie Imperial: "Happy nga ako sa mga achievements mo sa life and sana magtuluy-tuloy ang pag-akyat ng career mo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results