Maraming netizens ang nalungkot sa pinost ng singer na si Kyla sa kanyang Instagram account noong nakaraang November 9, kunsaan ipinaalam niyang muli siyang nakaranas ng miscarriage.
Ito ang ikalawang beses na naranasan ng singer na mawala ang baby nila ng kanyang mister na si Rich Alvarez kaya labis ang nararamdaman nilang lungkot ngayon.
Pinost ni Kyla ang isang Bible verse mula sa Jeremiah 29:11 "For I know the plans for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."
Heto ang hearttbreaking caption ni Kyla sa IG post niya:
Maraming netizens, na karamihan ay fans ni Kyla, ang naghatid ng kanilang dasal at pakikiramay sa mag-asawa.
Pinagdasal din si Kyla ng kanyang mga followers na maka-recover ito agad para muli itong mapanood sa TV na masaya at huwag mawalan ng pag-asa na magkakaroon ulit sila ng baby ni Rich.
