Pinusuan ng maraming celebrities at netizens ang Instagram post ni Matteo Guidicelli kasama ang girlfriend na si Sarah Geronimo at kapatid na si Paolo Guidicelli.
Ibinahagi ni Matteo ang nasabing post noong Biyernes, November 9, 2018.
Ang nakalagay sa caption: “Happy place.”
ARE WE HEARING WEDDING BELLS FOR MATTEO GUIDICELLI AND GIRLFRIEND SARAH GERONIMO?
Dahil limang taon na ang relasyon ni Matteo Guidicelli at ng girlfriend na si Sarah Geronimo, ang komento ng ilang netizens ay kasal na lamang daw ang kulang sa kanila. Taong 2014 nang kumpirmahin ni Sarah ang balitang boyfriend na niya ang Filipino-Italian actor. Isa raw sa mga na-appreciate ng dalaga kay Matteo ay ang tiyaga nito. Hindi rin daw nito nakakaligtaang humingi ng permiso sa mga magulang ni Sarah, sina Daddy Delfin at Mommy Divine, sa tuwing magde-date sila.
Samantala, base sa heart emojis mula sa mga artistang kaibigan ng dalawa, marami ang masaya para sa couple.
Samantala, magkasama ang dalawa sa Christmas station ID shoot ng ABS-CBN kagabi, November 11.
View this post on InstagramHave a blessed week ahead!! #familyislove @justsarahgph @mateoguidicelli @reginevalcasid
