Magkasamang nagbakasyon sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa isang beach noong Halloween break.
Base sa mga larawang ipinost ng isang netizen sa Facebook noong Sabado, November 3, makikitang may mga kasamang hindi taga-showbiz sina Bianca at Ruru.
Nakasaad din sa caption ng post na nagbakasyon ang dalawa sa isang white-sand beach sa Platil, Siargao Island.
Sabi pa ng netizen, nag-island hopping at nag-surf ang rumored Kapuso couple.
Patunay nito ang litrato kung saan nakatungtong sina Bianca at Ruru sa surfboards para sa kani-kanilang surfing lesson.
Ngunit ilang oras lang pagkatapos makita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Facebook post ng netizen, tila binura na ang mga larawan ng dalawang Kapuso stars.
PREVIOUS PROOFS
Hindi ito ang unang pagkakataong namataan ang dalawang Kapuso stars na magkasamang nagbakasyon.
Noong October 22, 2018, namataan silang magkasama sa isang restobar sa Nagoya, Japan.
Bagamat umiwas ang dalawa makunan ng larawan nang magkasama sa Japan trip, isang netizen ang nagpakuha kina Ruru at Bianca nang magkahiwalay pero sa parehong okasyon.
May mga kumalat ding posts ng matching tattoos ng dalawa: rose stencil sa left forearm ni Bianca at hugis rosas sa kanang braso ni Ruru.
Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Bianca ay si Miguel Tanfelix na kanya ring ka-love team.
Na-link naman si Ruru kay Asia’s Next Top Model Cycle 5 winner Maureen Wroblewritz, pero nilinaw ng aktor na magkaibigan lang sila.
Samantala, sa Twitter account na @rucaumadrid1, ipinost ng netizen ang diumano’y mga indikasyong may espesyal na namamagitan sa dalawa.
Kabilang na rito ang pagkakaroon ng matching crescent moon necklaces ng dalawa.
WAHH! YUNG SUOT NI B NA CRESCENT MOON NA NECKLACE BIGAY NI RURU TAPOS MAY NECKLACE DIN SI RURU NA CRESCENT MOON AND I’M SURE SI B NAGBIGAY NON, OR KUNG MALI BAKA BINILI NIYA YUN BECAUSE IT REMINDS HIM OF BIANCA DAHIL SA BIO NITO NA “?”!???? #RuCaIsReal #BiancaUmali #RuruMadrid pic.twitter.com/FRft8jGtYG
— rucaumadrid (@rucaumadrid1) November 11, 2018
May isa pang kuha kung saan makikita si Ruru na hinahalikan sa ulo si Bianca.
OMY! RUCA IS FCKNG REAL! SO I FOUND THIS PICTURE ON @ruca2love’S IG ACC! SOBRANG NAKAKAKILIG!! SO BIGUEL FANS SORRY PERO I THINK IT’S TIME PARA TANGGAPIN NIYO NA BIGUEL IS OVER BECAUSE RUCA IS REAL!ILOVEYOUBOTHSOMUCH! PLEASE GAWAN NIYO SILA NG PROJECT TOGETHER!!!???????? #RuCaIsReal pic.twitter.com/e41manc88q
— rucaumadrid (@rucaumadrid1) October 31, 2018
Sa kabila nito, wala pang direktang pag-amin ang dalawa kung may namamagitan nga ba sa kanila higit sa pagiging magkaibigan.
