Mukhang naka-move on na si Coco Martin mula sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano.
Kaugnay ito sa paninita ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.
Nabahiran diumano ng masamang imahe ang pambansang pulisya dahil sa kasalukuyang takbo ng istorya ng ABS-CBN primetime series.
Nagbanta pa ang Department of Interior and Local Government (DIlG) na maghahain ng kaukulang reklamo sa korte kapag hindi inaksyunan ng produksiyon ang hinaing ng PNP.
Kasunod nito, naglabas ng kautusan ang PNP na putulin na ang assistance na iginagawad ng kanilang ahensiya sa Ang Probinsyano.
Sa kanyang Instagram ngayong araw, November 20, ibinahagi ni Coco ang isang kasabihan mula sa @PeacefulMindPeacefulLife.
Nakalagay rito: “Sometimes the best revenge is to smile, move on, and do nothing.”
Nakasulat naman sa caption ang “peace” at may kalakip ding “laughing” emojis.
Patama kaya ito ni Coco sa naging hidwaan nila ng PNP at DILG?
