Sinariwa ni Lynn Ynchausti-Cruz ang masasayang alaala nila ng namayapang panganay na anak nila ni Tirzo Cruz III, si Teejay o Tristan Jedidiah Cruz.
Pumanaw si Teejay nitong Miyerkules, Nobyembre 21, dahil sa cancer.
Siya ay 37 taong gulang.
Ngayong Biyernes, November 23, ipinost sa Instagram ni Lynn ang masayang video nila ni Teejay sa Tokyo Disneyland.
Nagbakasyon ang kanilang pamilya sa Japan noong Abril.
Hindi raw mapaghiwalay ang mag-inang Lynn at Teejay, na aminadong "Mama's boy."
Sabi pa ni Lynn sa caption ng kanyang post, "While @tirsocruziii @bodiecruz and @djanincruz were standing somewhere while waiting for the Disney Parade, me and TJ sat down in front to get a full view of the Disney characters.
"I miss you my son!
"Mama loves you dearly! #mamasboy."
Sa Linggo, November 25, alas-dos ng hapon, nakatakda ang cremation ng mga labi ni Teejay sa Manila Memorial Park, Sucat, Parañaque.
