Janella Salvador rocks out with dad Juan Miguel Salvador for first time

by Nikko Tuazon
Nov 25, 2018
Janella Salvador performed a Queen medley with her dad Juan Miguel Salvador last Thursday, November 22, at Strumm's Makati.

Sa unang pagkakataon, nakasama ng ABS-CBN actress na si Janella Salvador ang kanyang amang si Juan Miguel Salvador na mag-perform onstage.

Nitong nakaraang Huwebes, November 22, naka-duet ni Janella ang kanyang ama sa Strumm's Makati kung saan regular na nagpe-perform si Juan Miguel kasama ang grupo niyang Authority band.

Nitong Sabado, November 24, ibinahagi ni Janella sa kanyang Instagram ang ilang snippets ng kanilang performance.

Ito na rin kasi ang huling performance ng kanyang ama kasama ang banda nito sa nasabing bar para sa taong ito.

Caption ni Janella: "[Check emoji] sing with my papa on stage for the first time ever. Surreal. No dry cough or dysmenorrhea can stop me (so please forgive my shaky voice)! Enjoy our little Queen tribute!"

Continue reading below ↓

Isang Queen medley ang kinanta nina Janella at Juan Miguel.

Kabilang sa kanilang mga inawit ang "Another One Bites The Dust," "We Will Rock You," "I Want To Break Free," "Crazy Little Thing Called Love," "We Are The Champions," at "Bohemian Rhapsody."

Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janella, sinabi nito na noong August 2015 niya unang napanood ang ama na mag-perform sa stage.

Kasama niya ang kanyang inang si Jenine Desiderio nang palihim silang nanood ng gig ng kanyang ama sa parehong bar.

Kuwento nito, "E, we were around the area. Sabi ko sa mama ko, ‘Mama, what if we drop by? Huwag na lang natin sabihin na pupunta tayo.'

"So, nagtago kami para ma-watch siya. Na-watch ko siya for the first time in my life.

"Never ko pa siya na-watch mag-perform kasi everyone tells me, 'Ang galing-galing ng dad mo,' hindi ako maka-relate. Gusto ko siya ma-watch.

Continue reading below ↓

"Finally, na-watch ko siya. Na-overwhelm ako kasi ang galing-galing niya at his age pa rin."

Narito ang kanilang buong performance:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador performed a Queen medley with her dad Juan Miguel Salvador last Thursday, November 22, at Strumm's Makati.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results