Apektado nang husto ang batikang aktor na si Tirso Cruz III sa pagpanaw ng panganay na anak na si Tristan Jedidiah Cruz—mas kilala na tawag na Teejay.
Si Teejay ay binawian ng buhay sa edad na 37 noong Nobyembre 21, Miyerkules, dahil sa lymphatic cancer.
Sa mga sumunod na araw matapos pumanaw ang anak, binabati pa rin ito ni Tirso sa Facebook tuwing umaga.
Dito ay ipinaramdam ng aktor kung gaano kaimportante sa kanyang buhay ang pumanaw na anak.
Noong huling lamay para kay Teejay nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 24, sumayaw si Tirso kasama ang asawang si Lynn Ynchausti, mga kapatid na sina Bodie and Djanin Cruz, pinsan na si Rodjun Cruz, at iba pang malalapit na kaanak.
Mahilig kasing sumayaw si Teejay noong nabubuhay pa ito.
Kahapon, November 25, nai-cremate na ang mga labi ni Teejay.
Ngayong araw, November 26, ibinahagi naman ni Tirso sa kanyang Instagram account ang urn na naglalaman ng mga abo ni Teejay.
Sabi niya sa caption, “To everyone who came to condole with us.
"The Cruz family thanks you from the bottom of our hearts. 11-26-2018.”
View this post on Instagram
