Richard Gomez defends Sharon Cuneta against bashers who called her "pabebe"

by Arniel C. Serato
Nov 28, 2018
Richard Gomez reiterates that bashers will troll celebrities just to piss them off: "Pagbigyan na lang iyan, kaligayahan na nila iyan."

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pagiging “touchy” at “pabebe” raw ng Megastar na si Sharon Cuneta sa leading man at ex-boyfriend nitong si Richard Gomez sa grand presscon ng pelikula nilang Three Words to Forever noong November 22.

Continue reading below ↓
IMAGE Noel Orsal
IMAGE Noel Orsal
IMAGE Noel Orsal

Pero para kay Richard, hayaan na lamang ang bashers dahil kaligayahan ng mga ito ang manira ng ibang tao.

Saad ng mayor ng Ormoc City, “A, siyempre, kanya-kanyang reaksiyon lang iyan, e.

“And you have to give it to them, may mga ganyan talaga.

“Kahit sa akin sa Ormoc, meron din kaming sariling mga bashers.

“Pagbigyan na lang iyan, kaligayahan na nila iyan.”

Kahit ba mayor na siya ay pumapatol pa rin siya sa bashers?

Tugon ni Richard, “Minsan.”

Pabirong dugtong pa niya, “Alam mo naman ako, mapagpatol ako, 'no.

“Kung puwede kong suntukin, susuntukin ko, e.

“Sometimes to hit them back, you have to speak their language.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa blogcon nito para sa Three Words to Forever ngayong Miyerkules, November 28.

Palabas na ang kanilang pelikula ni Sharon, kasama sina Kathryn Bernardo at Tommy Esguerra, sa mga sinehan sa buong Pilipinas simula ngayong araw.

Continue reading below ↓

LUCKY WITH LUCY

Kahit may maseselang eksena sa mga ginagawa niyang pelikula noon hanggang ngayon, hindi raw nagseselos ang misis ni Richard na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa kanyang mga leading lady.

Ayon sa actor-politician, “Hindi. Hindi talaga selosa yun, e.

"Tsaka naintindihan niya yung trabaho na ginagawa namin.

“Mahirap na maging ka-partner mo artista, especially kung yung kunyari nagkaroon ka ng boyfriend o girlfriend na artista, 'tapos nagkaroon ng ka-love team o iba’t ibang ka-love team, imagine yun, makipaghalikan kami, makikipag-holding hands kami, magkasama kami buong araw, di ba?

"So, pag seloso o selosa yung partner mo, mahihirapan ka talaga.

"So I’m very lucky, very fortunate na, with Lucy, naintindihan niya yung trabaho."

Read Next
Read More Stories About
Richard Gomez, Sharon Cuneta
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez reiterates that bashers will troll celebrities just to piss them off: "Pagbigyan na lang iyan, kaligayahan na nila iyan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results