Michela Cazzola quashes rumored tiff with partner James Yap

by Rachelle Siazon
Nov 29, 2018
Michela Cazzola, James Yap post photos showing their complete family following marital tiff rumors.

Tinuldukan na ni Michela Cazzola at James Yap ang usap-usapang mayroon silang alitan nitong mga nakaraang araw.

Ito ay matapos bigyang kulay ng ilang netizens ang recent Instagram posts ni Michela kung saan hindi nito kasama ang partner na si James.

Tanging ang panganay na anak nilang si MJ ang kasama ni Michela sa pagbabakasyon nito sa Ilocos Norte.

Pinuna rin ng ibang nang-iintrigang netizens kung bakit hindi dumalo si Michela sa kasal ng kapatid ni James sa Tagaytay.

Ngunit kagabi, November 28, sabay na nag-post sina Michela at James sa kani-kanilang Instagram account ng litrato kasama ang dalawa nilang anak.

Nakasaad sa post ni James na ipinadiriwang nila na five months old na ang bunso nilang si Francesca.

"Happy 5th month to our princess Francesca! Papa and Mama will always be here for you [heart emoji] We love you very much [birthday cake]," saad ng PBA player.

View this post on Instagram

Happy 5th month to our princess Francesca! Papa and Mama will always be here for you ?? We love you very much ????

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

Mayroon ding kahawig na post si Michela kasama ang buong pamilya nila.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

Happy 5th month, my adored princess! ??

A post shared by Mic (@michelacazzola) on

Tila ito ang sagot nina Michela at James sa mga netizen na nang-iintriga sa kanila.

Lalo na't sinang-ayunan ni Michela ang isang comment ng netizen na nagsasabing hindi basehan ang posts sa social media ng magandang pagsasama ng dalawang tao.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Michela Cazzola, James Yap
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michela Cazzola, James Yap post photos showing their complete family following marital tiff rumors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results