Regine Velasquez pokes fun at persistent nose-job rumor

by Bernie V. Franco
Nov 30, 2018
Regine Velasquez has a witty response to a netizen who tweeted about an old issue saying that the Asia's Songbird allegedly had a nose job.

Muling nagsalita si Regine Velasquez tungkol sa hindi mamatay-matay na isyung nagparetoke umano siya ng ilong noon.

Noong Lunes, November 26, isang netizen ang nag-post sa Twitter ng collage ng past and present photos ng Asia's Songbird.

Tweet ng netizen, “It's the same nose.”

Ito rin ang statement noon ni Regine kaugnay ng alegasyong nagparetoke siya ng ilong.

Continue reading below ↓

Nag-reply ang 48-year-old Kapamilya singer-actress sa tweet.

Sagot ni Regine, “Yah its the same nose [laughing emoji].”

Nag-react naman ang supporters ni Regine dito.

May mga natawa at mayroon ding naasar dahil sa anila'y “urban legend” at lumang isyu.

Narito ang ilan sa tweets ng netizens:

Continue reading below ↓

SAME OLD ISSUE

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinagot ni Regine ang akusasyong nagparetoke diumano siya ng ilong.

Sa katunayan, naging running joke na nga ito sa kanyang spiels kapag may concert siya.

Sa isang concert ilang taon na ang nakalilipas, nilinaw ni Regine sa spiel na hindi siya nagparetoke.

Nagbiro pa siya na kung nagparetoke siya, maaaring makaapekto ito sa kanyang boses na kanyang kabuhayan.

Sa isang Instagram post naman noong May 2016, isang maiksing video ang ginawa ni Regine na patukoy sa nose-job issue.

Ginamit pa niya ang hashtag na #RegineRetokada.

Sa video ay maririnig na may nagtanong kay Regine kung nagpawa ba siya ng ilong.

Pabirong joke ni Regine, “You are so right. Ayan o, pinatanggal ko na para wala nang tsismis.”

Sa video, gumamit ng app si Regine para magmukhang wala siyang ilong.

View this post on Instagram

#RegineRetokada ????????????

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez has a witty response to a netizen who tweeted about an old issue saying that the Asia's Songbird allegedly had a nose job.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results