Naka-move on na ang aktres na si Gwen Zamora sa aborted engagement nila ng dating fiancé na si Jeremy Marquez.
Noong December 2016 ay magpapakasal na sila ng anak ni Joey Marquez, ngunit hindi ito natuloy.
Apat na taon ang itinakbo ng relasyon nina Gwen at Jeremy at inakala ng iba ay mauuwi na talaga ito sa kasalan.
Noong September 1, 2018, lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang report kung saan pinabulaanan ni Gwen na hiwalay na sila ni Jeremy.
Sabi pa ni Gwen sa naturang panayam, "Like every couple, we have our ups and downs, but those are the things that make us stronger.
"We both learn how to accept each other.
“We have a good relationship, sometimes he knows me better than I know myself, which is nice."
Ngunit ginulat ni Gwen at ng PBA player na si David Semerad ang netizens dahil sa sweet photos nila sa Instagram.
Mukhang bago pa lamang ang kanilang relasyon dahil noong November 14 lamang nag-post ang San Miguel Beermen player ng larawan nila ni Gwen na magkasama.
Sabi ni David sa caption, “Blessed.”
“Baby” ang tawagan nila sa isa't isa.

Narito pa ang ilang posts ni David kung saan kasama niya si Gwen:
Wala pang Instagram post si Gwen ng larawan nilang dalawa ni David, ngunit mayroon siyang ibinahagi sa kanyang IG Stories kung saan magkasama sila.
May caption pa itong "My sick big baby boy."

Bago ang relasyon niya kay Gwen, ang huling naging girlfriend ni David ay si Miss World Philippines 2011 na si Gwendoline Ruais.
Na-engage din ang dalawa ngunit naghiwalay rin sila kalaunan.