Dalawang taon na ang relasyon nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng international car racer na si Marlon Stockinger kahapon, November 30.
Sa Instagram, sinabi ni Marlon na gusto raw ng girlfriend niya na magkaroon sila ng dinner date kay naman, ito ang naging sorpresa niya.
Isa sa wish niya ay magtagal pa ang kanilang relasyon.
Saad ni Marlon, "We’ve both been busy for a while and she’s been hinting for a dinner date. Wish granted.
“I hope you enjoyed my little surprise for you.
“Cheers, here’s to many more years with you.
“Happy anniversary love.”
Sa kanilang Instagram stories, binati rin nila ang isa’t isa.

