Kathryn Bernardo not rushing to settle down with boyfriend Daniel Padilla

by Glenn Regondola
Dec 2, 2018
Kathryn Bernardo on knowing the proper time to settle down: “For me, kapag nakikita mo yung buhay mo, nakikita mo yung mga bagay na ito na ginagawa mo na kasama yung taong yun, isa yun. Kapag hindi mo makita yung future na wala siya."  

Tahasang itinanggi ni Kathryn Bernardo na hindi pa siya handa na maging Mrs. Daniel Padilla kahit inamin na nila ang matagal na nilang relasyon na umabot na ng anim na taon.

Pahayag ng 22-year-old Kapamilya actress, "Not so soon naman po.

"It's too early pa naman, and ito yung mga bagay na hindi mo dapat minamadali, kasi kasal iyan, e.

“Ang unfair sa iyo, o sa isa, kung pumasok ka sa isang bagay na hindi ka ready, kapag hindi mo napagbibigyan ang lahat."

WHEN IS THE RIGHT TIME FOR KATHRYN?

Kelan daw niya masasabi kung handa na siyang lumagay sa tahimik?

Aniya, “Paano masasabi?

“Mararamdaman mo yun, feeling ko.

“Pag ready ka na, ready na ang partner mo.

“Kasi iba-ibang age tayo puwedeng maging ready na pasukin ang marriage.

“Kasi ibang level yun sa kapag boyfriend-girlfriend kayo,” paliwanag ni Kathryn nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand media launch ng pelikulang Three Words To Forever ng Star Cinema na patuloy pa ring ipinalalabas ngayon sa iba’t ibang sinehan sa buong bansa.

Continue reading below ↓

WHAT IS KATHRYN BERNARDO'S IDEAL BOYFRIEND?

Nang tanungin si Kathryn kung si Daniel na ang "the one," napangiti ito. Imbes na sagutin nang diretso ang tanong, inilarawan ng dalaga ang kanyang pamantayan sa paghahanap ng ideal boyfriend, "For me, kapag nakikita mo yung buhay mo, nakikita mo yung mga bagay na ito na ginagawa mo na kasama yung taong yun, isa yun. Kapag hindi mo makita yung future na wala siya. And kapag nakita mo... kapag nandun yung respeto niyo sa isa’t isa. And that’s very important. Yun, iba-ibang age tayo nagiging ready, pero kapag na-feel mo, then go. Sometimes, you just want to jump into it."

Wala naman siyang nabanggit kung napag-uusapan na nila ni DJ (palayaw ni Daniel) ang kasal, pero sa itinatakbo ng kanilang relasyon ngayon, malamang na sila nga raw ang magkakatuluyan.

In the meantime, ini-enjoy lang daw muna nila kung ano ang meron sila ngayon lalo na’t marami pa silang obligasyon na kailangan pang tuparin at tapusin.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito, kailangan din ang blessings ng kanilang mga magulang kapag dumating na sa punto na maisip na nilang magpakasal.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo on knowing the proper time to settle down: “For me, kapag nakikita mo yung buhay mo, nakikita mo yung mga bagay na ito na ginagawa mo na kasama yung taong yun, isa yun. Kapag hindi mo makita yung future na wala siya."  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results