Coco Martin thankful for meaningful dialogue with PNP

by Melba R. Llanera
Dec 2, 2018
Coco Martin (shown with PNP Chief Director General Oscar Albayalde) is thankful that the misunderstanding between the Philippine National Police (PNP) and the people behind his show Ang Probinsyano has finally been resolved: "Ang mahalaga, nagkausap, nagkapaliwanagan, nagkaintindihan."

Nakahinga nang maluwag si Coco Martin ngayong naplansta na ang gusot sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at ang pinagbibidahan niyang Kapamilya teleserye, ang FPJ Presents Ang Probinsyano.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo ay nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang kampo noong inireklamo ng pamunuan ng PNP ang hindi makatotohanang pag-portray ng pulisya sa naturang programa.

Ayon sa kanila, nakasasama raw ito sa imahe ng PNP.

Dinepensahan naman ito ng production at creative team ng Probinsyano at sinabing “fictional” lamang ang itinatakbo ng mga script o storyline na isinusulat ng kanilang mga writers.

Ayon nga kay Coco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang ABS-CBN trade launch na ginanap sa PICC Forum Tent noong nakaraang November 27, walang hindi nakukuha sa isang maayos na pag-uusap, at masaya siya na matagumpay na nalagpasan ng show nila ang nasabing pagsubok.

Lahad niya, “Ayos na ayos na, kaya nagpapasalamat kami na isang malaki ring pagsubok na pinagdaanan namin.

Continue reading below ↓

“Sabi ko nga, di ko akalain na magiging isa siyang national issue.

“Nagpapasalamat ako kasi siyempre nakabalik kami.

“Ayaw naman naming makasagasa o makasakit ng kahit na sinong tao, anumang organisasyon.

“Thank God, naayos naman.

“Sabi nga namin, yung respeto namin sa kanila, yung pagpapahalaga namin, nandun.

“Siguro nakulangan lang ng komunikasyon, ng pagpapaliwanag sa isa't isa.

“Ang mahalaga, nagkausap, nagkapaliwanagan, nagkaintindihan.”

MEANINGFUL DIALOGUE

Tinanong namin si Coco kung ano ang unang reaksyon niya nang personal niyang nakaharap si PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Pumunta kasi siya sa Camp Crame kasama ang ilang top executives ng ABS-CBN para makipag-usap at lumagda ng memoramdum of agreement sa pagitan ng Ang Probinsyano at PNP.

Kuwento niya, “Binati ko siya.

“Actually, natutuwa ako sa kanya.

“Mabait siyang tao. Ramdam mo, e.

“Mapagkumbaba siya.

“Pinaliwanag nila yung side nila. Naintindihan namin.

Continue reading below ↓

“Pinaliwanag din namin ang side namin. Maganda yung kinalabasan.”

Siniguro ni Coco na mahaba pa ang tatakbuhin ng show.

May mga balita ngang lumabas na mapapanood pa ito hanggang Setyembre ng susunod na taon.

Paninigurado niya, “Napakahaba pa ng tatakbuhin ng Ang Probinsyano kaya napakarami pang puwedeng dapat abangan.”

THRILLED WORKING WITH VIC AND MAINE

Sa kabilang banda, excited na excited naman si Coco sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles kung saan di siya makapaniwala na makakakatrabaho niya sila Vic Sotto at Maine Mendoza.

Saad niya, “Oo excited, sabi ko nga imposibleng mangyari pero nangyari.

“Dalawang pamilya ang nagsama para paligayahin lahat ng mga tao sa darating na Kapaskuhan.

“Nakakatuwa kasi akala ko isang pangarap lang na nagkatotoo.

“Di ko akalain na makakatrabaho ko si Bossing, pangarap ko lang talaga na sana makatrabaho ko siya.

“Bata pa lang ako, pinapanood ko na siya.

Continue reading below ↓

“Ang pinakamalaking bonus dun ay yung di ko akalain na magkakatrabaho kami ni Maine.

"Kasi alam naman namin na magkaiba kami ng istasyon, and then sinuportahan kami ng bawat istasyon namin.

“Sabi ko nga, siguro para sa mga tao.

“Para mapaligaya namin sila sa darating na Pasko.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin (shown with PNP Chief Director General Oscar Albayalde) is thankful that the misunderstanding between the Philippine National Police (PNP) and the people behind his show Ang Probinsyano has finally been resolved: "Ang mahalaga, nagkausap, nagkapaliwanagan, nagkaintindihan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results