Atak Arana back in the limelight after sexual-harassment controversy

by Ruel J. Mendoza
Dec 3, 2018
Atak Araña on lessons learned after sexual-harassment controversy: "Lahat ng negative na ginagawa ko noon, wala na. Iwas na ako sa sugal at lalaki."

Maraming pinapasalamatan ngayon ang comedian na si Atak Araña dahil unti-unti ay nakakabangon na siya mula sa kontrobersiyang kinasangkutan noong 2017.

Noong October 2017, inakusahan si Atak ng sexual harassment ng isang bellboy na nagngangalang Mark Christian Macavinta na nagtatrabaho sa Okada Manila.

Kinasuhan si Atak ng acts of lasciviousness dahil diumano'y hinipuan at hinalikan niya si Mark nang samahan ng huli ang comedian sa kanyang kuwarto.

Matindi raw ang pinagdaanan ni Atak dahil sa kasong ito.

"Narasanan ko ang makulong ako, 'tapos na-suspend pa ako sa dalawang shows ko sa GMA-7—yung Sunday Pinasaya at Dear Uge.

"As in, wala akong naging regular na pinagkakakitaan, except sa mga raket-raket na shows na bigay ng mga kaibigan na nagtitiwala sa akin.

"Ang hirap para sa tulad ko ang mawalan ng kabuhayan kasi may mga sinusuportahan tayong mga kamag-anak, may mga binabayaran tayo. Ang hirap talaga.

"Nagkaroon ako ng trauma. Na-depress ako ng ilang buwan.

Continue reading below ↓

"Gusto ko nang mag-move on at bumalik sa maayos na pagtatrabaho," pahayag ni Atak sa launch ng kanyang digital album na Attack Na Si Atak under Viva Records noong November 24.

STILL POSITIVE

Isang taon daw tiniis ni Atak ang pag-aakusa sa kanya ng maraming netizens sa social media.

Pero sa kabila nito ay naging positibo ang komedyante na maaayos din ang lahat at lalabas ang katotohanan.

"Kaya noong medyo nagkakaroon na ng linaw ang lahat, positibo pa rin ako sa mga mangyayari.

"Mapapatunayan na wala akong kasalanan," sabi ni Atak.

May maganda naman daw naidulot ang lahat ng pangyayaring iyon sa buhay ni Atak.

Naging daan daw iyon para mabago niya ang lahat ng mali sa buhay niya.

"Binigyan tayo ni Lord ng pagkakataon na mag-isip-isip sa takbo ng buhay ko.

"Naisip ko na marami akong kailangan baguhin sa buhay ko.

"Ngayon, iniiwasan ko na ang mga bisyo ko dati, lalo na yung pagsusugal.

Continue reading below ↓

"Hangga't maaari ay iniiwasan ko 'yan.

"May time na parang nate-tempt ka, di ba? Hindi madaling magbago agad.

"Pero kapag naiisip ko yung nangyari sa akin sa Okada, dun ako nagigising sa katotohanan at iiwasan ko ang pagsusugal.

"Ganun din sa mga lalaki. Iwas na lang tayo sa temptasyon, di ba?

"Tao lang tayo para magkamali, pero yung maulit pang maloko ka at akusahan ka ng hindi mo ginawa, hindi na tama iyon.

"Kaya iwas lang talaga. Yun ang naging wake-up call sa akin ni Lord."

THANKFUL ATAK

Nagpapasalamat si Atak sa maraming kaibigan niyang patuloy siyang tinutulungan.

Pahayag niya, "Thankful ako Viva Records dahil sa pagsuporta nila sa akin.

"Heto at available na ang first single ko na 'Attack Na Si Atak' sa Spotify at Amazon.

"Thankful din ako sa manager kong si Tita June [Rufino] dahil hindi siya nag-give up sa akin.

"Kailan lang tinawagan ako ni Tita June at may inaayos na raw siyang show na makakasama ako sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Ipinagdarasal ko na matuloy iyon dahil miss ko ang maging busy sa TV.

"Dumaan ang isang taon na hindi ako napapanood sa anumang TV shows. Walang may gustong kumuha sa akin."

Patuloy ni Atak, "Nangako naman ako kay Tita June na magiging maayos na ang buhay ko.

"Lahat ng negative na ginagawa ko noon, wala na. Iwas na ako sa sugal at lalaki.

"Gusto ko namang maging merry ang Christmas ko, di ba? Kaya behave na tayo.

"Nagpapasalamat din ako sa ilang mga kaibigan na patuloy na binibigyan ako ng raket habang dinidinig ang kaso ko.

"Nakapag-show na nga ako sa ibang bansa.

"Salamat sa tulong ng mga tunay kong mga kaibigan. Yung mga hindi nawala at naniwala na inosente ako.

"Kaya thank you Lord sa mga nangyayari ngayon.

"Malaki na ang nabago sa buhay ko ngayon at ginagawa ko ang best ko na iwasan ang mga bisyo ko noon," pagtapos ni Atak.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atak Araña on lessons learned after sexual-harassment controversy: "Lahat ng negative na ginagawa ko noon, wala na. Iwas na ako sa sugal at lalaki."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results