Vice Ganda's mom on TV host-comedian's relationship with Calvin Abueva: "I accept them."

by Bernie V. Franco
Dec 3, 2018
Vice Ganda's mother, Rosario Viceral (right), on Vice's involvement with PBA player Calvin Abueva: "Nasa edad naman na sila… parang wala na akong karapatan pa na mag-usi-usisa pa."

Kinumpirma ng ina ni Vice Ganda, si Rosario Viceral, na nakilala na niya kamakailan ang PBA player na si Calvin "The Beast" Abueva.

Si Calvin, 30, ay nali-link ngayon kay Vice, 42.

Higit isang linggo na ang nakalilipas, lumabas sa social media ang larawan nina Vice at Calvin sa isang bar sa Boracay.

Paliwanag ng It’s Showtime host, pumunta siya ng Boracay noong nakaraang linggo para magbakasyon kasama ang ina.

Nagkataon lang daw na nandoon din si Calvin para bisitahin ang kapatid nitong nasa isla.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ngayong Lunes, December 3, ikinuwento ng ina ni Vice kung paano siya ipinakilala ng anak kay Calvin.

Lahad ni Nanay Rosario, “Kasi magla-lunch kami, e.

"May lunch kami, 'tapos nung nandodoon na ako, sabi niya [Vice], ‘Nay, may bisita ako, ha!’

"'Okay lang, 'nak,' sabi ko.

“So yun, dumating sila, ipinakilala niya ako.

Continue reading below ↓

"That’s it. I met them."

Inusisa rin si Nanay Rosario kung alam niya ang pagkaka-link ng kanyang anak sa basketball player.

Sagot ng ina ni Vice, “Nung sa Showtime nga itong lately, pagbalik ko, yun bang mga biru-biruan, napapansin ko.

“So, tinanong ko yung apo kong babae, ‘Anak, ano yun?’ sabi kong ganun. ‘Eto, ipakikita ko sa 'yo, ‘Nay.’”

FIRST IMPRESSION ON CALVIN

Ano ang first impression ni Nanay Rosario kay Calvin?

Aniya, “Wala naman akong ano… kasi I didn’t even look at his face, really.

“Kasi bisita nga siya ni Tutoy [palayaw ni Vice], ayoko namang tititigan ko sila na ano...

“Basta nagkatinginan lang kami nung ipinakilala niya sa 'kin. That’s it.”

Ano ang reaksiyon ni Nanay Rosario na vocal sa pagsasabi sina Vice at Calvin na masaya sila sa company ng isa’t isa?

Continue reading below ↓

Tugon niya, “That will be nice. Maganda. Masaya.

“Kasi hindi sila nag-o-open up sa akin, so ako naman, nasa edad naman na sila… parang wala na akong karapatan pa na mag-usi-usisa pa.

“So, whatever comes."

Dagdag pa ni Nanay Rosario, “I welcome them. I accept them.

"Kung saan sila masaya, masaya na rin ako.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda's mother, Rosario Viceral (right), on Vice's involvement with PBA player Calvin Abueva: "Nasa edad naman na sila… parang wala na akong karapatan pa na mag-usi-usisa pa."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results