Aiko Melendez becomes target of mudslinging because of involvement with Mayor Jay Khonghun

by Rommel R. Llanes
Dec 3, 2018
Aiko Melendez: "Pag politician's girlfriend ka, akala mo hindi ka na madadamay sa dumi ng pulitika. Pati ikaw pala, damay din."

Isinantabi muna ng aktres na si Aiko Melendez ang pagsabak muli sa pulitika dahil nagdesisyon siyang suportahan ang kandidatura ng boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun.

Tatakbong vice governor ng Zambales si Mayor Jay sa 2019 mid-term elections.

Si Aiko naman ay nanilbihang konsehala ng Quezon City mula 2001 hanggang 2010.

Ano ang pagkakaiba ng pagiging politician at pagiging politician’s girlfriend?

Ayon sa 42-year-old actress, “Pag politician ka kasi, iba yung stress mo, e, kasi you’re running your own campaign, di ba?

“Pero pag politician’s girlfriend ka, akala mo hindi ka na madadamay sa dumi ng pulitika. Pati ikaw pala, damay din.

“Kumbaga kasi, lalo na nakadikit ako kay Mayor ngayon, na he’s running for vice governor, so kahit ako, dun sa mudslinging, damay din ako.

“Unlike dati, direkta na ako lang, wala nang madadamay, di ba? I can shield my family, especially my kids.

Continue reading below ↓

“Now, damay-damay, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa premere night ng pelikulang Tell Me Your Dreams, na ginanap sa Evia Lifestyle Center Cinema sa Alabang, Muntinlupa, noong Sabado, December 1.

Ang Tell Me Your Dreams ay ipalalabas December 5 sa Vista cinemas.

Ito ay indie movie directed by Anthony Hernandez at produced ng Golden Tiger Films.

DEADMA SA BASHERS

Kahit may mga basher, deadma lang daw sina Aiko at Mayor Jay.

Saad ng aktres, “Kami, tuloy lang kami sa pagtulong.

“Tambakan man si Mayor ng mga intriga, ng mga negative, wala kaming sasabihin sa mga kalaban namin.

“Kasi, gusto lang naming patunayan na puwede kaming manalo or kaya naming manalo nang hindi naninira.

“Dahil yung mga projects na nagawa ni Mayor, yung mga merits niya will speak itself to make him win.”

Naniniwala si Aiko na worth it na hindi muna siya tumakbo at pinili niyang tumulong muna sa kanyang kasintahan.

Continue reading below ↓

“Kasi naniniwala ako na this is his time now, to serve a bigger scope, which is the whole Zambales.

“And alam ko naman pagka nasa public service man ako or wala, matuloy man ako in three years o hindi, I still can run,” sabi niya.

Posible kayang sa susunod na eleksyon ay sa Zambales na rin tumakbo si Aiko? Lalo na kapag kasal na sila ni Mayor Jay?

Tugon niya, “Hindi ko alam, maraming possibilities na puwede or puwedeng manatili ako sa Quezon City or puwedeng national, hindi natin alam.

“Maraming possibilities.”

Napag-uusapan na raw nina Aiko at Mayor Jay ang kasal pero wala pang definite date or details.

Bago o matapos ang eleksyon sa 2019?

Sagot ni Aiko, “You know, we don’t want the people to think na we’ll get married because of publicity.

“We’ll get married at the right time, maybe after.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez: "Pag politician's girlfriend ka, akala mo hindi ka na madadamay sa dumi ng pulitika. Pati ikaw pala, damay din."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results