Daniel Matsunaga on relationship with girlfriend Karolina Pisarek: "This is it!"

by Rose Garcia
Dec 3, 2018
Daniel Matsunaga on settling down with girlfriend Karolina Pisarek: "I've always wanted it. I've always wanted to have kids and I pray that Karolina will be the one. Yeah... just pray."

“This is it! This is it!”

Ito ang diretsong sagot ni Daniel nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang present girlfriend na si Karolina Pisarek na ang makakatuluyan o pakakasalan niya.

Sa katunayan, kasama na ngayon sa listahan ng mga prayoridad ng Brazilian-Japanese model ang Polish model.

“Focusing on myself, my work, my family and my love life,” sambit ni Daniel.

Isang taon at apat na buwan na raw ang relasyon nila kaya gusto raw ni Daniel na sila na talaga ang magkatuluyan.

“I pray every day that this is it,” pakli niya.

Hindi rin itinanggi ni Daniel na napag-uusapan na nila ni Karolina ang tungkol sa kasal.

Pero isang nakangiting “secret” ang mabilis niyang sagot nang tanungin namin kung kailan.

Gusto na niyang pakasal?

“I want,” pag-amin niya.

“I’ve always wanted it. I’ve always wanted to have kids and I pray that Karolina will be the one.

Continue reading below ↓

“Yeah... just pray.”

Mukhang hindi naman isyu kay Daniel kung saang bansa sila magse-settle down ni Karolina kung mag-aasawa na sila.

Sa ngayon, naka-base ang girlfriend niya sa Amerika.

Sabi nga ni Daniel, “Lahat puwede kami—Philippines, Poland, Brazil… everywhere.

“She’s Polish but she’s based in L.A.”

Nagbabagu-bago raw ang mga plano niya tulad ngayong darating na Kapaskuhan.

Sa ngayon, dito raw sa Pilipinas nakikita ni Daniel ang sarili na magdiriwang ng Pasko.

Kakabisita lang din ng girlfriend niya sa bansa kamakailan.

Birthday ni Daniel noong November 28 at kasama niya si Karolina noong araw na yun.

“Our plans are always adjusting with each other. Depende on her schedule kasi,” saad niya.

Ano ang kaibahan ng relasyon niya ngayon kumpara sa mga nakaraan?

“I don’t wanna compare, e,” iwas ni Daniel.

“I mean, I’m very, very happy with Karolina. She’s making my life changed.

Continue reading below ↓

“I’ve learned so much with her and I don’t like talking about exes.

“I’ve learned a lot in my entire life and I just want to talk about Karolina, because she’s my present and she’s my future.”

Kasama si Daniel sa Viva Films movie na Kahit Ayaw Mo Na, ipalalabas simula sa December 5.

Read Next
Read More Stories About
Daniel Matsunaga
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Matsunaga on settling down with girlfriend Karolina Pisarek: "I've always wanted it. I've always wanted to have kids and I pray that Karolina will be the one. Yeah... just pray."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results