"Hate the sin but not the sinner."
Ito ang panawagan ni Sharon Cuneta, 52, kaugnay ng natatanggap niyang pambabatikos hinggil sa kanyang political connections.
Kamakailan, nag-sorry ang Megastar dahil sa posts niya sa Instagram ng pag-eendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapatid niyang si Chet Cuneta.
Mababasa rin sa captions ng post ni Sharon ang pagiging pabor niya sa Pangulo.
Si Chet ay tatakbong mayor sa Pasay City sa 2019 mid-term elections.
Samantala, ang asawa ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan ang kasalukuyang presidente ng oposisyon, ang Liberal Party.
Ayon kay Sharon, nararamdaman niyang naiipit siya dahil ang kanyang mga mahal sa buhay ay magkakalaban sa pulitika.
“I adore my husband because I’m feeling him right now, as much as I feel bad for myself because I don’t know why I always seem to find myself in the middle of disagreeing factions that I know personally,” himutok ni Sharon nang makausap siya ng reporters at bloggers sa pocket presscon ng Three Words to Forever noong Huwebes, November 29.
FRIENDS WITH THE MARCOSES AND ESTRADAS
Sa puntong iyon, inilahad ni Sharon ang kanyang personal relationships sa kontrobersiyal na political families: Marcos, Estrada, at Duterte.
"I was born in 1966, when president Marcos had been newly elected or was going to be elected the same year," simula ni Sharon.
Ang kanyang yumaong ama na si Pablo Cuneta, na naging Pasay City mayor sa loob ng apat na dekada, ay nagsilbi sa pitong presidente.
“Marcos was the first one I got to know, and then I got to know Bongbong.
"And up to a certain extent, Irene, on a personal basis ,and Mrs. [Imelda] Marcos," sabi ni Sharon tungkol sa pamilya ng dating diktador.
Patuloy niya, “I really had no idea about politics. I didn’t care.
"I didn’t have any access to any information.
"And then I got older, and then Ninoy died."
Ang "Ninoy" na tinutukoy ni Sharon at si dating Senator Benigno Aquino Jr. na pinaslang noong August 21, 1983.
Si Ninoy ang asawa ni yumaong Presidente Cory Aquino at ama nina dating Pangulong Noynoy Aquino at Kris Aquino.
Sabi pa ni Sharon, “But my friendship stayed with Bong, especially Bong and Lisa, his wife.”
Itinuturing rin niyang malapit na kaibigan si Jinggoy Estrada, ang panganay na anak ni dating Pangulong Joseph Estrada.
"Parang, you know, Jinggoy already went to jail. I don’t care. He’s my friend.
“Aren’t we supposed to hate the sin but not the sinner?" sabi ni Sharon.
Si Jinggoy ay kinasuhan ng plunder and graft charges dahil sa pork-barrel scam noong 2014.
Nakapagpiyansa si Jinggoy noong September 2017 matapos ma-detain ng halos tatlong taon.
Ayon pa kay Sharon, “I’m not a perfect person, none of us is perfect.
“I have my own faults.
“I may never have been accused of stealing money and God knows I never have, but I’m not perfect.
“We all have our own little faults.”
Naluluhang patuloy ng Megastar, “I’m tired of putting friendships aside because of politics.
"I am tired of not being able to say, let’s say, campaign for my best friend because my husband is with the administration, like when FPJ ran against PGMA before."
Ang tinutukoy niyang FPJ ay ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. na tumakbo sa pagkapangulo noong 2004.
“I am tired,” pakili ni Sharon.
Sa isang Instagram post ni Sharon kamakailan, ikinuwento niyang nanatili ang pagkakaibigan nila ni FPJ kahit kalaban nito ang kinabibilangang partido noon ni Senator Kiko.
CLOSE WITH THE DUTERTES
Ikinuwento rin ng Megastar ang pagiging malapit niya sa pamilya ni Pangulong Duterte.
Ang Pangulo raw ang nanghimok kay Chet na ikunsidera ang pagtakbo bilang mayor sa Pasay City.
Pero nang i-endorse kamakailan ni Pangulong Duterte si Chet ay marami ang bumatikos kay Sharon, partikular ang mga anti-Duterte.
Sabi ni Sharon, “I want to gain votes for my brother.
“Nagkataon si PRD ang nag-endorse sa kanya, when my husband has to be the president of the Liberal Party.
“I feel for my husband kasi yung sari-saring batikos, tinitiis na lang niya kasi he respects my brother and he respects me, but he’s not the type to back down, so he voices out also his own opinions."
Vocal na kritiko ng administrasyong Duterte si Senator Kiko.
Patuloy ng Megastar, “And then people are so quick to judge us, to say we are like this, or like that, or the President is a murderer, ganyan.
“Like I said, you hate the sin, not the sinner.
“My father was a friend of the president and all the presidents.
“And I’m a friend to Mayor Sarah,” pagtukoy niya sa anak ni Pangulong Duterte na si Davao Mayor Sara Duterte.
“I have been a friend since she was a little girl, but we became friends talaga long before his father declared his intentions to run for the presidency.”
SHARON ASKS FOR RESPECT
Maluha-luhang sabi pa ni Sharon, “So, parang anong gagawin ko, ang dali-daling humusga ng tao?
“Sana igalang din nila, kasi marami din namang nag-a-agree sa asawa ko, maraming nag-a-agree kay PRD.
“We can all co-exist naman and not agree and still respect each other.
“I don’t understand why there has to be anarchy when there’s no threat of nuclear bombs.”
Sa kabila raw ng pagkakaiba ng kanyang kapatid at asawa pagdating sa pulitika, mahal daw nila ang isa’t isa.
“We’re a family. My brother loves Kiko and vice versa.
“Kanya-kanyang paniwala 'yan, e.
“So, pagka ganun, sana you respect each other.
“Ako, pagod na pagod na akong nasa gitna ako.
“Can you imagine how it is being in the middle?
“Being the wife of someone you love and support and respect, whose values you agree with, and then also being friends and have such affection for a President that has been good to my father and to my brother before I met Kiko, and is now supporting my brother?
“Ang hirap-hirap naman sa gitna.
“Pagod na pagod na rin ako, 'tapos makakarinig ka pa ng batikos na hindi muna nag-isip."
Pakiusap ni Sharon, “A little empathy lang, yun lang hinihingi ko.
“You don’t have to agree with me.”