Sunshine Dizon reveals reason why she doesn't entertain suitors

by Glenn Regondola
Dec 5, 2018
<p>Sunshine Dizon on her decision not to accept suitors: "I don't want to repeat same thing. Kasi, di ba, napaka-unfair, ipinaglaban ko yun, e. Pero parang ibinalik ko rin yung kasalanan. Kasal ako, 'tapos I will entertain? Parang hindi maganda."</p>
PHOTO/S: Jerry Olea

Maayos na raw ang estado ng emosyon ni Sunshine Dizon sa kabila ng pinagdaanan niya sa kanyang married life noong 2016.

Natapos na rin daw ang kanyang pag-emote-emote, at ang importante ay nanatili silang magkaibigan ng kanyang estranged husband na si Timothy Tan para sa kanilang dalawang anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa grand presscon ng Metro Manila Film Festival 2018 entry na Rainbow’s Sunset, na ginanap sa Le Reve Pool & Events Venue, sa Quezon City, noong December 2.

“Maayos naman po, blessed naman tayo. Wala namang problema. Thank you, Lord,” pahayag ng Kapuso actress nang kumustahin namin siya.

Patuloy niya, “We have a new show in an afternoon slot, then heto ngang Metro Manila Filmfest movie na matagal na rin akong hindi nag-i-MMFF.

“Then, I have another project, yung baby namin for Sangg’re Productions.

“Hindi pa puwedeng banggitin ang title ng project.”

Continue reading below ↓

Ang "new show" na tinutukoy ni Sunshine ay ang Inagaw Na Bituin, kung saan makakasama niya sina Kyline Alcantara, Therese Malvar, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Marvin Agustin, at Angelu de Leon.

Ang tinutukoy namang proyekto ni Sunshine para sa Sang’gre Productions ay pagsasamahan nila ng kanyang Encantadia co-stars na sina Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubiri.

Sa kanyang personal na buhay, kumusta naman siya?

Nakangiting sagot ni Sunshine, “Wala namang nabago, ganun pa rin.

“Oo, wala namang super bago. With kids, okey naman sila.

“Wala talaga akong mai-share nang bonggang-bonggang bago sa love life kasi...”

LEGAL BATTLE

Kinumusta rin ng PEP.ph kay Sunshine ang tungkol sa mga isinampa niyang reklamo noon laban sa kanyang mister.

Sagot ng 35-year-old actress, “I cannot talk about it, meron pa akong kaso.

“Talking about annulment, we’ll see.

“Hindi ko pa alam din. Bahala na si Lord.

Continue reading below ↓

“Basta right now, hindi ko naman napi-feel na ako ay mag-isa.

“Masaya naman ako. Yung mga anak ko, kasama ko naman.

“At saka malaking bagay na may trabaho ako. Napakalaking bagay talaga na laging busy ka.

“Hindi ako nalulungkot.”

Ibig bang sabihin, hangga’t hindi pa annulled ang kasal nila ni Timothy, hindi siya tatanggap ng manliligaw?

Ani Sunshine, “I don’t want to repeat same thing.

“Kasi, di ba, napaka-unfair, ipinaglaban ko yun, e.

“Pero parang ibinalik ko rin yung kasalanan.

“Kasal ako, ‘tapos I will entertain? Parang hindi maganda.”

Paano kung dumating ang isang taong muling magpapatibok sa kanyang puso?

Mabilis na sagot ni Sunshine, “Kung dumating yun, di mag-file ng annulment.

“Ganun lang yun, di ba? Hindi naman isyu yun.

“Kung meron nga naman, ba’t nagpapa-choosy ka pa, e, nandiyan na nga, may magmamahal sa iyo, aayaw ka pa.”

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, tipong wala ring planong mag-file ng annulment si Timothy.

Ano ang masasabi niya?

“I don’t know, I cannot speak for him. I cannot decide for him, di ba?

“Basta civil kami ngayon sa isa’t isa.

“If he needs something para sa mga anak niya, e, kausapin niya ako.

“Like, oo, naghahatid-sundo siya sa mga anak niya,” saad ni Sunshine.

Masaya na rin ang aktres sa kanilang setup dahil kahit paano raw ay lumalaki ang kanilang mga anak na mayroon pa ring isang father figure, na malaking bagay sa maayos na pagpapalaki sa mga ito.

Ang pelikulang Rainbow’s Sunset ay iprinodyus ng Heaven’s Best Entertainment, Inc. at ipalalabas simula sa Pasko, December 25.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sunshine Dizon on her decision not to accept suitors: "I don't want to repeat same thing. Kasi, di ba, napaka-unfair, ipinaglaban ko yun, e. Pero parang ibinalik ko rin yung kasalanan. Kasal ako, 'tapos I will entertain? Parang hindi maganda."</p>
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results