Is Maine Mendoza defending someone from bullies?

by Rachelle Siazon
Dec 9, 2018
<p>Hinihinala ng netizens na ang pambabatikos sa sinumang nalalapit kay Maine Mendoza ang nag-udyok ditong maghayag ng disgusto sa pambu-bully ng ibang tao.</p>
PHOTO/S: @mainedcm Instagram

Kinondena ni Maine Mendoza ang anumang uri ng bullying sa kanyang Twitter post kahapon, December 8.

Sabi ng Eat Bulaga! Dabarkads, walang magandang maidudulot ang pambu-bully sa isang tao.

Kalakip nito ang isang gif attachment na nagsasabing "bullies aren't cool."

Pati ang perennial love team ni Maine na si Alden Richards ay napa-like sa tweet ng actress-TV host.

Hindi man tinukoy ni Maine kung ano ang nag-udyok sa kanyang mag-tweet tungkol sa bullying, karamihan sa netizens ay hinihinalang may kinalaman ito sa pambabatikos na nakukuha ng sinumang mapalapit sa dalaga.

Continue reading below ↓

Hindi kailang naiuugnay si Maine sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Co-stars ang dalawa sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Madalas din silang namamataang magkasamang lumalabas para mag-dinner, mag-party, at manood ng concert.

Sa huling panayam kay Maine, inamin niyang magkaibigan at nasa "getting to know each other" stage sila ni Arjo.

Hindi na nagdetalye pa si Maine hinggil sa estado ng kanyang love life, pero siniguro niyang masaya siya dahil may kalayaan siyang gawin ang mga bagay na labas sa kanyang trabaho.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Hinihinala ng netizens na ang pambabatikos sa sinumang nalalapit kay Maine Mendoza ang nag-udyok ditong maghayag ng disgusto sa pambu-bully ng ibang tao.</p>
PHOTO/S: @mainedcm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results