Kapuso hunk Vince Vandorpe admits experiencing racial discrimination while growing up in Belgium

by Ruel J. Mendoza
Dec 9, 2018
<p>Kapuso actor Vince Vandorpe recalls racial discrimination while growing up in Belgium: "As a kid, medyo masakit iyon kasi they tease me a lot for my looks. Hindi naman ako nakikipag-away or umiiyak kapag umuwi ako. I just went on my own way. I just learned to embrace who I am."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ng bagong Kapuso actor na si Vince Vandorpe (pronounced van-dor-PI) na nakaranas siya ng racial discrimination noong lumalaki siya sa bansang Belgium.

Belgian ang kanyang ama, samantalang Pinay naman ang kanyang inang taga-Dumaguete City.

Habang lumalaki raw si Vince ay kinukuwestiyon siya ng mga kaedad niyang bata kung bakit kakaiba ang hitsura niya.

Lahad niya, "When I was a kid, medyo singkit po ako, 'tapos I have black hair.

"Mga kids kasi sa Belgium, they have light brown hair.

"So they always tease me for being different. They would call me Chinese or Japanese.

"Even if I speak their language, which is Flemish or Dutch, they tell me that I don't belong because I look so Asian.

"As a kid, medyo masakit iyon kasi they tease me a lot for my looks.

''Hindi naman ako nakikipag-away or umiiyak kapag umuwi ako.

''I just went on my own way. I just learned to embrace who I am.

Continue reading below ↓

"Laging sinasabi kasi ng mother namin na huwag kaming makipag-away kasi hindi tama iyon.

''Ayaw niyang nakikipag-away kami or else papaluin kami ng tsinelas!" tawa pa ni Vince.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vince sa media launch ng GMA-7 primetime teleserye na Cain at Abel.

REDISCOVERING HIS PINOY ROOTS

Aminado si Vince na kapag tinatanong siya tungkol sa pagiging Pinoy niya, wala siyang masagot.

"When I turned 18, I told my mom na that one day I want to go back to the Philippines in order to know more about myself at ang pagiging Pinoy ko.

"I want to rediscover my roots again.

''Ang tagal na kasi nung last time akong nakauwi ng Pilipinas.

"Kapag tinatanong kasi ako noon ng mga schoolmates ko about being a Filipino, wala akong masagot kasi I know so little about being one," pag-amin niya.

Nabanggit ni Vince na noong bata siya ay yearly ang pagbakasyon nila sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Parati raw sila sa Dumaguete City nagbabakasyon ng isang buwan kaya natuto raw siyang magsalita ng Bisaya.

Kuwento niya, "I was like three years old then.

''Alam mo naman ang mga bata, madaling maka-pick up ng language.

"Natatandaan ko, kahit na hindi ko pa masyadong maintindihan ang mga sinasabi ng mga kalaro ko, walang problema sa amin.

''We have our own language na naiintindihan din ng ibang bata.

"But we stopped vacationing sa Dumaguete noong dumami na kaming magkakapatid.

''We're five kids in the family at magastos sa pamasahe.

"Pero back in Belgium, yung ibang kapatid ko, they would converse in both English and Bisaya until my dad discouraged us to speak those languages.

''He only wanted us to speak either Dutch or French."

Taong 2014 na noong makabalik si Vince sa Pilipinas.

Noong una ay nag-stay siya for one month hanggang sa bumalik siya ulit at nanatili for five months.

Continue reading below ↓

Patuloy niyang kuwento, "I was already 21 and I was finished with school.

"Dahil matagal akong hindi nakabalik ng Pilipinas, I was so excited to see lots of it.

''I wanted to explore everything about the Philippines.

"When I returned again for a full five months, I said to myself na I need to find work para maka-survive ako.

''Kaya doon pumasok ang modeling.

"My first TV commercial was for Blue Drinking Water in 2014.

''Then I went into to print ads and ramp modeling.

"I also have my own YouTube Channel where I blog and vlog about my travels here in the Philippines.

''May mga fun challenges kami like speaking this kind of Tagalog word.

"I also do behind-the-scenes sa teleserye namin na Cain at Abel.

''May mga pinapagawa rin ako sa mga co-stars ko that are really funny."

SHOWBIZ CAREER OFF TO A GOOD START

Ang kauna-unahang teleserye ni Vince sa GMA-7 ay ang Meant To Be (2017) kunsaan kasama siya sa grupong kumakalaban kina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner.

Continue reading below ↓

"Mga kontrabida kami nila Matthias Rhoads, Carl Cervantes at Dave Bornea.

"It was good experience to do my first TV show then.

''Now I'm part of Cain at Abel as the brother of both Dingdong Dantes and half -brother to Dennis Trillo.

"'Tapos, may makaka-loveteam pa ako sa show na si Pauline Mendoza.

"So everything is doing good as far as my career is concerned," pagpapasalamat niya.

HOLIDAY PLANS

Umaasa si Vince na makakauwi siya sa Belgium ngayong Pasko dahil gusto niyang makasama ang buong pamilya niya, lalo na ang kanyang lola.

"I'm a certified lola's boy! I love my lola very much and I can't spend Christmas na hindi siya nakakasama.

"But of course, I want to be with my mom, my dad and my brother and three sisters.

"It depends kasi on the schedule na ibibigay nila sa amin for Cain At Abel.

''So I don't know yet kung more than week ba ang break namin.

Continue reading below ↓

"I am praying na sana mahaba ang bakasyon para makauwi ako for the holidays," dalangin niya.

Minsan pa lang daw kasi sumubok ng Pasko sa Pilipinas si Vince at nakaramdam siya ng matinding lungkot.

Saad niya, "That was my first year dito sa Pilipinas.

''It was my first time din to be away from my family and I thought na I would be okay with it, kasi I had relatives with me and a few friends.

"Pero malungkot pa rin pala.

''Kaya I try my best to fly home for Christmas para makasama ko ang family ko for Noche Buena.

"But in Belgium we call it Kerstavond."

Tradition na raw sa Belgium na may nakahandang bread, cheese, roast meat at sea food on Christmas eve.

Ang pinaka-dessert daw nila ay ang Yule Log (kerststronk in Dutch or Bûche de Noël in French) na isang sponge cake shaped like a wooden log na may chocolate butter cream.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, "Ang pinagkaiba lang with the Christmas tradition sa amin is that we don't have midnight mass.

"Dito kasi, people are more religious.

''Kami naman, we're a Christian family, but we are not used to going to church every Sunday or even on occasions like Christmas."

Read Next
Read More Stories About
GMA-7, Cain at Abel
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kapuso actor Vince Vandorpe recalls racial discrimination while growing up in Belgium: "As a kid, medyo masakit iyon kasi they tease me a lot for my looks. Hindi naman ako nakikipag-away or umiiyak kapag umuwi ako. I just went on my own way. I just learned to embrace who I am."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results