Nash Aguas posts romantic birthday video for girlfriend Mika dela Cruz

by Bernie V. Franco
Dec 10, 2018
<p>Nash Aguas posts a romantic video greeting for girlfriend Mika dela Cruz: "Sa mga taon na darating, gagawa pa tayo ng maraming memories."</p>
PHOTO/S: Instagram / You Tube

“Best birthday ever.”

Ganito inilarawan ni Mika dela Cruz ang kanyang kaarawan dahil sa video greeting sa kanya ng boyfriend na si Nash Aguas.

Ipinagdiwang ni Mika ang kanyang 20th birthday noong Linggo, December 9.

Ipinost ni Nash ang video birthday greeting niya para kay Mika dakong tanghali ng Linggo.

Sa video na nagtagal ng 1:21 minutes, ipinakita ni Nash ang masasayang sandali nila ni Mika simula noong bata pa sila at bahagi ng Goin' Bulilit, ang kiddie gag show ng ABS-CBN.

Mababasa rin sa video ang birthday message ni Nash para sa kasintahan:

"Hello Panget, sa mga taon na darating, gagawa pa tayo ng maraming memories. Memories ang ating kinapitan noong tayo’y nagkalayo, pero ito rin ang naging daan, para mahanap natin muli ang isa’t isa.

“To more years… to more memories together. Happy birthday Panget.”

Continue reading below ↓

Tila na-touch naman dito si Mika at nagpasalamat sa boyfriend via Twitter: “best birthday ever. Thank you, nget! [heart, crying emojis]”

Kinumpirma ni Nash ang relasyon nila ni Mika noong October.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Nash Aguas posts a romantic video greeting for girlfriend Mika dela Cruz: "Sa mga taon na darating, gagawa pa tayo ng maraming memories."</p>
PHOTO/S: Instagram / You Tube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results