Tony Labrusca assures fans he is okay after being accidentally "punched in the face"

by Arniel C. Serato
Dec 11, 2018
<p>Fans of <em>Glorious</em> star Tony Labrusca are worried after a video showing him being punched in the face circulated online. </p>
PHOTO/S: Arniel Serato

Bumulagta ang Glorious star na si Tony Labrusca matapos itong aksidenteng masapak sa mukha ng isang guwardiya ng isang mall sa Batangas.

Sa video na ipinost sa Facebook ng isang nagngangalang Patricia Ann Malubay Ramillo, makikitang dinumog ng kanyang fans si Tony matapos itong mag-perform sa Victory Mall sa Tanauan, Batangas, noong Sabado, December 8.

Pinaligiran ng mga guwardiya ang Kapamilya actor habang paalis ito ng venue, ngunit makikita sa video na isang guwardiya ang sumapak sa kanya.

Makikita ring bumulagta ang baguhang singer-actor.

Continue reading below ↓

Nakalagay sa caption ng post: “Kawawa naman si Tony Labrusca. He went down during his visit in Victory Mall, Tanauan, Batangas. Hope he's fine after all.”

Kaya naman nag-aalala ang fans ni Tony.

Sa Twitter, pinawi ni Tony ang pag-aalala ng kanyang mga tagahanga.

Nilinaw rin ng aktor na hindi sinasadya ng guwardiya ang pagkakasuntok niya.

Sabi niya sa kanyang tweet kagabi, December 10:

“Hey guys, I noticed a lot of you are worried about me getting punched in the face in my last mallshow.

“I’m totally okay :) I know the guard didn’t mean it. Thanks to everyone for being so thoughtful!”

Mas uminit ang pangalan ni Tony dahil sa mapangahas niyang pagganap sa May-December love story na Glorious katambal si Angel Aquino.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Fans of <em>Glorious</em> star Tony Labrusca are worried after a video showing him being punched in the face circulated online. </p>
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results