Kylie Padilla ties the knot with Aljur Abrenica

by Rachelle Siazon
Dec 11, 2018
<p>Kylie Padilla and Aljur Abrenica get married in an intimate and unannounced wedding ceremony today, December 11. </p>
PHOTO/S: @robinhoodpadilla Instagram

Ikinasal na sina Kylie Padilla, 25, at Aljur Abrenica, 28, sa isang intimate Christian wedding ceremony ngayong Martes, December 11.

Ginanap ang pag-iisang dibdib nila sa Villa Milagros ancestral house sa Rodriguez, Rizal.

Mismong ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang nagbahagi ng Instagram live video ng Christian wedding ceremony nina Kylie at Aljur.

Dito ay makikitang naging emosyunal pareho ang newly-married couple habang nakikinig sa pangaral ng kanilang pastor.

"Mahalin mo si Kylie. Your job is to protect your wife," paalala ng pastor kay Aljur.

Pagkatapos ng ceremony, sabik na naghalikan sina Aljur at Kylie.

Nagkakatuwaang binilang pa ng mga bisita ang sampung segundong passionate kiss ng dalawa.

View this post on Instagram

@ajabrenica and @kylienicolepadilla’s first kiss as husband and wife. Video by: @robinhoodpadilla

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

THEIR LOVE STORY

Ikinasal sina Kylie at Aljur matapos ang halos dalawang taon nilang engagement.

Hindi kaila sa publiko ang makulay na itinakbo ng love story nina Aljur at Kylie mula nang maging sila noong 2011.

On and off ang relasyon nila hanggang sa humantong sila sa totohanang breakup noong March 2014 dahil sa third-party issues.

Continue reading below ↓

Parehong nag-move on sa kani-kanilang buhay sina Aljur at Kylie, hanggang sa muling pinagkrus ng tadhana ang kanilang landas.

Opisyal na nagkabalikan ang dalawa noong September 2016, at inamin ito ni Aljur sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2016.

January 2017 nang sumunod na ibinalita ng PEP.ph ang pagbubuntis ni Kylie ng anak nila ni Aljur.

Kasunod nito ang pagkumpirma ng dalawa na engaged na rin sila.

Isinilang ni Kylie ang anak nila ni Aljur na si Alas Joaquin Abrenica noong August 5, 2017.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kylie Padilla and Aljur Abrenica get married in an intimate and unannounced wedding ceremony today, December 11. </p>
PHOTO/S: @robinhoodpadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results