Vice Ganda receives bouquet of flowers from Calvin Abueva onstage

by Bernie V. Franco
Dec 11, 2018
<p><em>It's Showtime</em> host Vice Ganda appears surprised when Calvin Abueva goes onstage and hands the comedian-host a bouquet of flowers. Since this September, Vice has been romantically linked to the basketball player.</p>
PHOTO/S: Photos from Instagram

Umulan ng hiyawan at tuksuhan nang abutan ng bouquet of flowers ng PBA player na si Calvin “The Beast” Abueva si Vice Ganda sa isang ginanap na pageant sa Pampanga nitong December 10, Lunes ng gabi.

Sa Instagram video na in-upload ng isang netizen (@jaaahzz), mapapanood na habang nagbibigay ng “thank you” speech si Vice, biglang lumapit si Calvin at inabutan ng bulaklak ang nagulat na si Vice Ganda.

Bahagyang inilapit ni Calvin ang kanyang mukha kay Vice na tila hahalikan pero hindi naman itinuloy.

Hinawakan naman ni Vice ang mukha ng basketbolista, at maririnig ang malakas na hiwayan ng mga tao.

Continue reading below ↓

Mapapanood din na ikinatuwa ng mga hosts ng pageant ang nasaksihan.

Dumalo bilang guests sina Vice at Calvin sa Mutya Ning Kapampangan 2018 na ginanap sa at Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga, gabi ng Lunes.

View this post on Instagram

Halatang gulat ah! Nagpapagirl si Betle ???????? Ayieeeee! Ctto

A post shared by Vicey's Unkabogable Pony ????? (@jaaahzz) on

Nagsimulang ma-link sina Vice at Calvin mula pa noong September nang lumabas sa social media ang kanilang mga larawang magkasama.

Maging sa kanyang social media accounts, may Instagram Stories si Vice na nakakasama niya si Calvin.

Ipinahayag naman ni Vice sa kanyang interviews na masaya siya sa pagkakaibigan nila ni Calvin, dahil hindi itinatago at hindi ikinahihiya ni Calvin ang kanilang pagkakaibigan.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p><em>It's Showtime</em> host Vice Ganda appears surprised when Calvin Abueva goes onstage and hands the comedian-host a bouquet of flowers. Since this September, Vice has been romantically linked to the basketball player.</p>
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results