Lharby Policarpio leaves GMA-7 to explore career opportunities

by Arniel C. Serato
Dec 13, 2018
<p>Lharby Policarpio says he personally asked permission from GMA management before leaving the network: "At the end of the day, baka sisihin ko sila kung walang mangyayari sa akin."</p>
PHOTO/S: Arniel Serato

Umalis na sa bakuran ng GMA-7 ang singer-actor na si Lharby Policarpio may ilang buwan na ang nakalilipas.

Halos tatlong taon din siya sa Kapuso Network.

Ayon sa 24-year-old aspiring actor, “Few months lang, ang huli kong show sa kanila ay puro ano po, e, mostly, e, puro guesting.

“Ang huli ko na semi-regular dun ay The One That Got Away.”

Bakit siya umalis ng GMA?

Tugon ni Lharby, “Ano naman po, e, mutual naman po yung agreement namin about [sa pag-alis ko].

“Siguro, para din makapag-explore din ako.

"Yun din naman ang sabi nila, para din makapag-explore din ako.

"Para hindi din ako matali sa kanila.

“At the end of the day, baka sisihin ko sila kung walang mangyayari sa akin.”

“Wala naman,” ang sagot niya sa tanong kung may tampo ba siya sa GMA Network.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lharby sa launching ng Sana May Forever The Love Album noong Biyernes, December 7, sa isang restaurant sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Ang Sana May Forever The Love Album ay may 12 tracks at tampok ang iba't ibang singers.

Ang kinantang track ni Lharby ay ang "Kung Malayo Ka."

Kabilang din sa featured artists sa album sina Laarni Lozada, Faith Cuneta, Renz Verano, at Brenan Espartinez.

ESPRIT DE CORPS ACTOR

Isa sa naging highlights ng karera ni Lharby sa GMA-7 ay nang nakasama siya sa singing search na To The Top taong 2015.

Taong 2014 naman, inilunsad si Lharby sa indie movie na Esprit de Corps na pinagbidahan din nina JC Santos at Sandino Martin.

Ang istorya ay tumatalakay sa mga kababalaghang nangyayari noon sa ROTC sa kolehiyo.

Nagpakita ng kanyang kaseksihan noon ang aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Lharby Policarpio (@iamlarbs) on

Pero ngayon, hindi na raw muna magpapa-sexy si Lharby at itutuon muna niya ang atensiyon sa pagpapahusay ng kanyang pag-arte.

Nag-audition daw siya para sa isang show sa isang istasyon at hinihintay na lamang niya ang resulta kung makakapasok siya sa nasabing palabas.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Esprit de Corps
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Lharby Policarpio says he personally asked permission from GMA management before leaving the network: "At the end of the day, baka sisihin ko sila kung walang mangyayari sa akin."</p>
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results