Paolo Ballesteros expresses love for rumored boyfriend on social media

by Bernie V. Franco
Dec 12, 2018
<p>Paolo Ballesteros no longer holding himself back in expressing his love for non-showbiz boyfriend Kenneth Concepcion.</p>
PHOTO/S: Instagram

Kung dati ay matipid si Paolo Ballesteros pagdating sa pagsasapubliko ng kanyang love life, ngayon ay mas open na ang Eat Bulaga! host sa paghahayag ng pagmamahal sa non-showbiz boyfriend.

Patunay nito ang palitan nila ng komento sa social media at maging sa kanilang posts.

Kamakailan ay nag-post sa Facebook ang rumored boyfriend ni Paolo na si Kenneth Gabriel Concepcion.

Nagkomento rito ang Kapuso actor-host ng “[heart emoji] u siopao” o “love you siopao.”

Sagot naman dito si Kenneth, “[heart emoji] u too” o “love you too.”

Continue reading below ↓

Sa selfie ni Kenneth kung saan naka-pout ang lips niya, nagkomento ang isang netzine na parang “hahalik ung pic.”

Sumagot si Paolo ng “isipin ko nlang for me.”

Nag-post din si Kenneth ng isang face app, kung saan may male at female version ang isang netizen.

Continue reading below ↓

Nagkomento rito si Paolo.

Aniya, “ampogi at ang ganda naman ng siopao ko!”

Isang netizen ang kumontra sa komento ni Paolo.

Sumagot si Paolo at dinepensahan ang kanyang unang komento kaya love niya si Kenneth.

Kamakailan ay nag-post si Kenneth ng picture ng bouquet of flowers na ibinigay niya kay Paolo para sa birthday ng actor-host.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Paolo Ballesteros no longer holding himself back in expressing his love for non-showbiz boyfriend Kenneth Concepcion.</p>
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results