Toni, Alex Gonzaga get emotional recalling hard times of family

<p>Sisters Toni (right) and Alex Gonzaga on making it big in showbiz: "Sino ba naman ang mag-aakala? Ang dami ngang nagsasabi, hindi naman kami mukhang artista talaga. Buti na lang may mga makeup, ganyan, mukha kaming artista ngayon. Hahaha! Parang maiisip mo na wala 'yan sa hitsura mo, wala 'yan sa pinanggalingan mo, wala 'yan sa kung saan ka lumaki. Mapapasabi ka na walang imposible kay God." </p>
PHOTO/S: Mart Francisco

Mixed emotions ang naramdaman ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga nang balikan ang paghihirap na dinanas ng kanilang pamilya bago narating ang ginhawa sa buhay na natatamasa nila ngayon.

Lumaki sina Toni, 34, at Alex, 30, sa ordinaryong middle-class family sa Taytay, Rizal. Ang kanilang tunay na pangalan ay Celestine at Catherine, respectively.

Ang ina nilang si Crisanta "Pinty" Gonzaga ay dating manager sa finance department ng isang bus company.

Ang ama nilang si Carlito "Bonoy" Gonzaga, na vice mayor ngayon ng Taytay, Rizal, ay dating nagtatrabaho bilang contractor.

Pero may mga pagkakataon noong bata pa sina Toni at Alex na kinakapos sila ng pera.

Tandang-tanda pa raw ni Alex kung paano pinagkakasya ng mga magulang nila ang budget para sa simpleng pamamasyal sa mall sa Cainta, Rizal.

Balik-tanaw ni Alex, “Merong bagong restaurant sa Sta. Lucia, sa katabi ng sinehan.

“Ngayon, anytime puwede tayo kumain dun. Sa atin, nung time na yun, ang mahal-mahal.

Continue reading below ↓

“'Mommy, gusto naming kumain diyan.' E, siguro nagkaroon sila ng pera...

"Naalala ko ang pera namin nun, PHP700. E, manonood pa kami ng sine, PHP50 pesos each.

“Naaalala ko, sabi ng mommy sa daddy, ‘OK, P500 lang yung maiiwan…’

"Pero di niya sinasabi sa amin, narinig ko lang.”

Para maibigay ang gusto ng mga anak, pasimpleng nagtipid na lang daw ang parents nila.

“Sabi ng mommy, ‘O, Bonoy, dun ka na lang sa baba bumili. Sa baba ka na lang, kulang ang budget.’

“E, bibili nga kami ng pancake. 'Tapos ang daddy ko, ‘Hindi, ayoko diyan. Gusto ko sa baba bumili.’

“Parang naiisip ko noon, ‘Grabe, isang meal lang namin, saktong-sakto.'

"Tapos nag-request kami, hindi kami makakaing apat sa isang resto,’” naluluhang balik-tanaw ni Alex.

Continue reading below ↓
IMAGE @cathygonzaga Instagram

Ang emosyunal na pagkukuwento ni Alex ay nahaluan ng konting komedya nang pinunasan ang kanyang luha at natalsikan si Toni.

Hirit ni Toni, “Ano ba? Sa akin mo tinalsik yung luha mo! Sa bibig ko! Ang alat ng luha mo!”

Bilang panganay, sanay si Toni na maging matatag at hindi masyadong magpakita ng emosyon.

Sabi pa ni Toni kay Alex, “Bakit ka umiiyak? Tingnan mo, sensitive talaga siya.”

Aminado si Alex na mababaw ang luha niya lalo na kapag usaping pamilya.

Pag-amin ni Alex, “Sensitive talaga ako. Kasi pag naiisip ko yung struggle naming family…

"Naaawa kasi ako sa atin nung time na yun.”

Ayon kay Toni, sariwa rin sa kanyang alaala ang paghihirap ng kanilang pamilya.

Kahit inililihim ng mga magulang nila ang kanilang financial problems, nararamdaman daw ito ng magkapatid.

Si Alex daw ang tagasumbong kay Toni sa tuwing magbebenta ng gamit si Mommy Pinty o Daddy Bonoy para pantustos sa gastusin ng kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Toni, “Palagi siyang espiya dun sa mommy at daddy.

"Sasabihin ni Alex, ‘Binenta ng mommy yung alahas niya... Ate, tumaya ang daddy sa sweepstakes... Binenta ng daddy yung ano niya…’

“Sasabihin ko naman, ‘Paano mo nalaman?’ Sagot ni Alex, ‘Chineck ko yung bulsa ng daddy, may resibo.’”

Sa puntong ito ay biglang hinatak ni Alex ang buhok ni Toni dahil sa pambubuking na inuusyoso ng una ang bulsa ng ama.

“Bakit mo kinuwento?! Malalaman ng daddy na tsine-check ko sila!” bulalas ni Alex.

Sabi naman ni Toni, “Pero di ko sinabi kung ano yung ibinenta.”

Sang-ayon ang magkapatid na maraming gamit ang naibenta ng mga magulang at mapapansin na lang nilang wala na ang mga iyon.

Dagdag ni Alex, “Ta’s makikita ko ang mommy at daddy ko, ‘O, gusto niyo pa ba? O, tara, kain tayo.’

Continue reading below ↓

“'Tapos makikita ko hindi sila o-order. Kami lang ng ate.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Toni at Alex sa shoot ng PEP Live, sa PEP.ph headquarters sa Mandaluyong City, nitong Miyerkules, December 12.

IMAGE @cathygonzaga Instagram

TONI'S MOTIVATION

Malinaw na saksi ang magkapatid sa sakripisyo ng mga magulang.

Continue reading below ↓

Pero imbes na panghinaan ng loob, mas naging masigasig daw si Toni sa pagsali sa auditions mula pagkabata niya.

“Ako naman, tuwing sasabihin ni Alex sa akin yun, motivation ko yun lagi.

“Hindi ako umiiyak nun. Sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi na magbebenta ang mommy…”

“Kaya laging audition ulit, audition ulit. Lagi akong ganun.”

Walang anumang koneksiyon si Toni sa showbiz noon.

Hindi raw mabilang kung may ilang beses siyang nakaranas ng rejection sa auditions na sinalihan niya.

Kabilang dito ang pagkabigo ni Toni nang mag-audition nsiya sa sikat na '90s teen-oriented show na Ang TV.

Patuloy ni Toni, “Nag-quit na nga ‘to, e. Dati kasama ko 'tong nag-o-audition.

"Nung nakita niyang parang, ‘Palaging nare-reject ‘to, hindi na ako sasama.’ Hindi na siya nag-audition din.”

Singit ni Alex, “Kasi pumapasok pa rin ako, ang bata ko pa nun.”

Continue reading below ↓

Patuloy ni Toni, “Tsaka parang siguro, inisip niya, ‘Ano ba ‘to?’

"Tsaka ayoko na rin siya mag-o-audition kasi parang ang bata niya to experience the pain of rejection.”

Bukod dito ay tila “excursion” ang pag-commute nila mula sa dating tirahan nila sa Rizal hanggang sa ABS-CBN o GMA studio.

“Ang init, 'tapos super haba ng pila... Sasabihin ko, ‘Dun na lang kayo sa waiting shed. Ako na lang pipila dun. Ganun pinagdaanan namin.”

Naranasan din ni Toni na magtrabaho bilang lounge singer sa iba't ibang luxury hotels noong siya ay 16 years old.

Umaasa si Toni na doon siya posibleng ma-discover bilang artista.

Hanggang sa noong siya ay 18 years old, na-discover si Toni sa softdrink commercial nila ni Piolo Pascual.

Aminado si Toni na nakuha siya hindi dahil sa ganda, pero itinodo lang niya ang akting para mapansin out of ilang auditioners noon.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay nabigyan siya ng break bilang TV host sa Eat Bulaga!, kung saan nagsimula siya bilang semi-regular hanggang sa maging mainstay ng show sa loob ng tatlong taon.

Sariling sikap daw nilang mag-ina kaya siya napasabak sa pag-aartista.

Wala pa raw pera noon si Toni, pero pinilit niya ang ina na maging manager niya.

"Kaya si Mommy Pinty ang manager ko. Walang gustong mag-manage sa akin.

"Pero dun ako nagpapasalamat kay Mommy Pinty. Kasi she was the only person that I needed.

"Kasi kahit walang naniniwala sa akin, naniniwala yung mommy ko na kaya ko."

Ang paglipat niya sa ABS-CBN noong 2005 at pagsabak bilang host ng Pinoy Big Brother ang tuluyang nagbago sa buhay ni Toni.

Kasabay nito ang pagbigay sa kanya ng Kapamilya network ng movie at recording contracts.

Sumabak din si Alex sa pag-aartista sa ABS-CBN noong 2006.

Pero mas nabigyan siya ng oportunidad sa pag-host at pag-arte sa TV5, kung saan siya naging exclusive artist mula 2008 hanggang 2013.

Continue reading below ↓
IMAGE @cathygonzaga Instagram

ON REJECTIONS, AVOIDING SIBLING RIVALRY

Kaakibat ng kasikatan ni Toni at pagpasok ni Alex sa showbiz ay hindi maiwasang maikumpara ang magkapatid.

Pero hindi raw nila hinayaang magkaroon ng rivalry sa pagitan nila.

“Yun ang promise namin sa isa't isa. 'Pag hindi tayo okey, may pinagdadaanan tayong dalawa, never tayong magpapa-interview na sisiraan natin ang isa’t isa,'" saad ni Toni.

Dagdag ni Alex, “Tsaka yung mga away naman namin, mga normal na mga away ng magkapatid na kaya namang resolbahan.”

Nagkasundo rin daw silang hindi ibubulgar ang mga pag-aaway nilang nasaktan sila nang husto bilang proteksiyon sa kanilang relasyong magkapatid.

Sabi ni Toni, “So far, napanindigan namin.”

Nang bumalik ng ABS-CBN si Alex noong 2013, nagkaroon siya ng pagkakataong mag-grow pa lalo bilang artista.

Naipakita rin niya ang likas na pagiging komedyante, lalo na nang ilunsad niya ang sariling YouTube vlog noong 2017.

Pero kahit may pangalan na sila sa showbiz, iginiit nina Toni at Alex na hindi natatapos ang pagsubok sa mundong ginagalawan nila.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Alex, “Hanggang ngayon naman may mga rejection ka pa ring nararamdaman."

Sang-ayon ni Toni, “Super, andami!

"Sa industry, every day feeling mo, ‘Wala ba akong nagawang maganda? Bakit parang I feel so rejected?'

“Every single day, people reject you in this industry. You always have to prove your worth.

“Every day, they’d try to make you feel you don’t belong in this industry.

“Every day, when there's rejection, I always go to Catherine and to my family. I know with them, I’d feel accepted.”

Sapat na raw kay Toni na ang pamilya niya ang matatakbuhan sa oras ng pangangailangan.

Lalo pa’t pili ang mga kaibigan ni Toni, at si Alex lang ang talagang itinuturing niyang best friend.

“Trust and loyalty? Sa family lang talaga,” ani Toni.

Sa kaso ni Alex, hindi raw nagkulang si Toni sa paalala at paggabay rito.

Continue reading below ↓

“Sa school niya dati sa St. Paul at UA&P, benta siya talaga.

"Maliit lang kasi yung campus, di ba? Contained lang kayo sa four corners ng classroom.

“Sabi ko sa kanya, ‘Yes, sa school, sa classroom, benta ka. But when you go to a bigger crowd, bigger audience, hindi lahat pare-pareho ng preference. Siyempre school niyo 'yan, isa kayo ng humor, isa kayo ng environment.

“Sa showbiz, mas malaki ang media, mas malaki ang nari-reach, hindi lahat maiintindihan humor mo.’

“I always tell her to know her limits. Kumbaga sa bush, malago ka, pero pag lalabas ka, i-trim mo. Hindi ka puwedeng, 'A, eto ako!”

Hindi raw talaga matatawaran ang tatag ng relasyon nilang magkapatid.

Lalo na at sabay silang nangarap marating ang kinatatayuan nila ngayon.

Continue reading below ↓
IMAGE @celestinegonzaga Instagram

AGAINST ALL ODDS

Sa huling bahagi ng panayam, ipinaalala ni Toni kay Alex ang kanilang pinanggalingan at kung saan nagsimula ang lahat.

Balik-tanaw ni Toni: "Yung bahay kung saan kami nakatira dati, yung apartment, tumbok yun.

"Eto yung street, eto yung bahay, 13 na siya, tinutumbok pa siya.

"Yung time na tumira kami dun, kausuhan ng Vizconde massacre.

"'Tapos yung feng shui, yung inaral yung Vizconde, lahat ng description niya sa bahay na malas, description ng bahay namin—tinutumbok, number 13, inaaninagan ng ilaw ng kotse...

"Kaya nung bata kami, palagi naming iniisip, 'Diyos ko, mama-massacre ba tayo anytime?'

"Lagi talaga, sa gabi, napapraning kami! 'Naku, naka-lock ba yung mga pinto?'"

Hirit ni Alex, "Nagpi-feeling kami, 'Baka manakawan tayo.' Wala naman mananakaw. Hahaha!

"Sabihin pa ng magnanakaw, 'Bahala kayo diyan!'"

Patuloy ni Toni, "Natatakot talaga kami nun! 'Lahat ng kamalasan, nasa bahay na 'to.'

"Pero yung bahay namin na itinuring na malas, dun kami nag-start lahat ng small dreams namin. Aabutin kami ng 6 a.m."

Continue reading below ↓

Ang bahay ring iyon ang naging saksi sa ordinaryong pamumuhay ng magkapatid habang abala sa pagkayod ang kanilang mga magulang.

Pag-amin ni Toni tungkol sa pag-aalaga niya kay Alex, "Hanggang sa naging yaya niya ako pag pumapasok siya sa school.

"Wala akong trabaho nun sa showbiz. Sabi ko sa kanya, 'Wala naman tayong katulong.' Ako yung nagkatulong sa kanya.

"Ako nagluluto ng baon niya, nag-aayos ng gamit niya, mag-iinit ng tubig niya sa umaga."

MMFF ENTRY

Noong panahong din iyon nakahiligan ng magkapatid na Toni at Alex na manood ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entries sa Sta. Lucia East Grand Mall.

Pambayad daw nila sa sine ang naipong pera mula sa mga napamaskuhan nila.

Kaya medyo surreal daw kay Toni na ngayon ay pinagbibidahan nilang magkapatid ang MMFF 2018 entry na Mary, Marry Me kasama si Sam Milby.

Sabi ni Toni, "'Tapos ngayon na may entry kami, lagi ko sinasabi sa kanya, 'Naaalala mo ba yung dati, lagi tayo pumipila sa Shake, Rattle & Roll? Kasi gustung-gusto natin ng horror.

Continue reading below ↓

"Or kung nakakatawa yung Enteng Kabisote: Okay Ka Fairy Ko, 'tapos Crying Ladies kay Ms. Sharon...'

"Never namin naisip nung time na yun na, 20 years after, magiging isa kami sa pipiliin nila sa Pasko sa MMFF.

"Lagi ko pinaalala sa kanya na yung 13 P. Ocampo Street, yung kinu-consider natin na pinakamalas na bahay, kung san tayo lumaki, dun nagsimula yung dreams natin, na natupad ni God."

Wala raw talagang imposible sa taong nangarap at nagtrabaho nang husto upang makamit ito.

Dahil kung sa simpleng mamamayan na tulad nila ay nangyari iyon, posible rin ito sa iba.

Pagwawakas ni Toni: "Mapapasabi ka na walang imposible kay God.

"Sino ba naman ang mag-aakala? Ang dami ngang nagsasabi, hindi naman kami mukhang artista talaga.

"Buti na lang may mga makeup, ganyan, mukha kaming artista ngayon. Hahaha!

"Parang maiisip mo na wala 'yan sa hitsura mo, wala 'yan sa pinanggalingan mo, wala 'yan sa kung saan ka lumaki.

Continue reading below ↓

"Huwag mo hayaan na kahit na sino nakawin yung pangarap mo. Huwag mo hahayaang sabihin sa 'yo ng ibang tao na, 'Ha? Imposible 'yan!'

"Dahil pag iningatan mo yun, darating ang time matutupad yun."

IMAGE @cathygonzaga Instagram
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sisters Toni (right) and Alex Gonzaga on making it big in showbiz: "Sino ba naman ang mag-aakala? Ang dami ngang nagsasabi, hindi naman kami mukhang artista talaga. Buti na lang may mga makeup, ganyan, mukha kaming artista ngayon. Hahaha! Parang maiisip mo na wala 'yan sa hitsura mo, wala 'yan sa pinanggalingan mo, wala 'yan sa kung saan ka lumaki. Mapapasabi ka na walang imposible kay God." </p>
PHOTO/S: Mart Francisco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results