Beauty Gonzalez opens up about reunion with friend Ellen Adarna

by Melba R. Llanera
Dec 16, 2018
<p>Beauty Gonzalez (right) is willing to be the ninang of good friend Ellen Adarna and John Lloyd Cruz's baby boy: "Bakit naman hindi? Ninang siya ng anak ko, silang dalawa, e."</p>
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram

Nag-post kamakailan si Beauty Gonzalez ng larawan nila ng kaibigang si Ellen Adarna na may caption na ''Hey Stranger!"

Base sa caption ni Beauty, matagal din silang hindi nagkita ni Ellen.

Matagal-tagal na rin kasi mula nang nagdesisyon si Ellen at ang nobyo nitong si John Lloyd Cruz na mamahinga sa kani-kanilang showbiz career.

Ito ay pagkatapos umusbong ang kanilang relasyon at napabalita ang pagbubuntis ni Ellen, hanggang sa isilang ng sexy actress ang anak nila ni John Lloyd.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Beauty sa Family Is Love: The 2018 ABS-CBN Christmas Special, na ginanap sa Araneta Coliseum noong Martes, December 11, kinumusta namin sa kanya ang pagkikita nila ni Ellen.

Lahad niya, “Okay naman siya. Mukhang fresh, masaya. Super happy.

"She's having the time of her life, lalo na ngayon na she's living a private life. Ibang experience and ibang adjustment, and blooming yung friend ko.

Continue reading below ↓

“Masaya ako for her, kasi we all want the best for our friends kaya masaya ako.”

Napag-usapan ba nila ni Ellen kung may balak pa itong bumalik sa showbiz?

Tugon ni Beauty, “Hindi namin napag-usapan, e.

“Siyempre nami-miss namin ang isa't isa, e.

“Iba ang napag-usapan namin.”

Kahit wala pang direktang pag-amin mula mismo kila John Lloyd at Ellen tungkol sa panganganak ng aktres, payag ba si Beauty na maging ninang siya ng anak ng dalawa?

Aniya, “Bakit naman hindi? Ninang siya ng anak ko, silang dalawa, e."

STORIES WE ARE TRACKING

KADENANG GINTO

Kasalukuyang napapanood si Beauty sa seryeng Kadenang Ginto sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Marami pa raw dapat abangan sa teleserye, kunsaan ginagampanan niya ang papel bilang si Romina.

Masaya niyang pahayag, “Marami pa kayong aabangan.

“Marami pang sabunutan nila Romina at Daniela [played by Dimples Romana].

“Naku, yung mga kids, ang gagaling nila.

Continue reading below ↓

“Marami pang eksena na aabangan ninyo.

“Siyempre abangan ninyo rin kung magkakasundo ba kaming lahat ngayong Pasko.”

Kapansin-pansin din ang matitinding kumprontasyon nina Andrea Brillantes at Francine Diaz na gumaganap bilang mga anak nila sa istorya.

Para kay Beauty, hindi isyu sa kanya kung minsan ay nagpopokus ang istorya sa mga batang cast.

“Oo naman. I mean, there are times naman na mapupunta sa mga bata, there are times naman na mapupunta sa amin.

“Hindi problema yun as long as mapapaganda naman yung palabas.”

HOLIDAY PLANS

Inusisa rin namin kay Beauty kung ano ang plano nila sa parating na holiday season.

Saad niya, “Out of the country kami with my husband. Kaming dalawa lang.

“After that, mayroon kaming family trip within the Philippines lang.

“Masyado kasi akong naging busy sa Kadenang Ginto so kailangang bumawi.”

Nilinaw ng Kapamilya actress na wala pa silang balak ng asawang sundan ang anak nilang si Olivia.

Continue reading below ↓

Paninigurado niya, “No, okay na ako, masaya na ako, e.

“Okay na si Olivia.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Beauty Gonzalez (right) is willing to be the ninang of good friend Ellen Adarna and John Lloyd Cruz's baby boy: "Bakit naman hindi? Ninang siya ng anak ko, silang dalawa, e."</p>
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results