KC Concepcion's French boyfriend warms up to her family in the Philippines

by Rachelle Siazon
Dec 16, 2018
<p>KC Concepcion's French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart is back in the Philippines for the 18th birthday party of KC's sister Frankie Pangilinan.</p>
PHOTO/S: @peplassart Instagram

Nagbakasyon muli sa Pilipinas ang French boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre Emmanuel Plassart para dumalo sa 18th birthday ng kapatid ni KC na si Frankie Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post kahapon, December 16, buong-pagmamalaking ipinakita ni Pierre na siya ang escort ni KC sa debut ni Frankie.

Ginanap ang 18th birthday party ni Frankie sa Shangri-La The Fort, Taguig City, Sabado ng gabi, December 15.

Nakasaad sa caption ng post ni Pierre na hindi niya maiwasang maalala ang unang pagkakataong nakilala niya si KC sa gala dinner ni dating U.S. President Bill Clinton noong 2011.

Ani Pierre, "Off to our first big event since we met at President Clinton’s birthday ball. Avec la plus belle pour aller danser [With the most beautiful to go dancing]#tobefrank"

May kuha rin sina Pierre at KC bago nag-umpisa ang party ni Frankie.

Continue reading below ↓
IMAGE @peplassart Instagram Story

Pati sa dinner table kasama ang mga kamag-anak ni KC ay may souvenir photo ang couple.

IMAGE @peplassart Instagram Story

Base sa iba pang Instagram Story ni Pierre, nagkaroon din siya ng pagkakataong maka-bonding ang mga pinsan ni KC na sina Daniel at Chuck Cuneta.

Continue reading below ↓
IMAGE @peplassart Instagram Story

Mismong ina ni KC na si Sharon Cuneta ay masayang makita si Pierre sa kanilang family gathering.

Kapamilya na rin ang turing ni Sharon sa boyfriend ni KC na ang tawag niya ay "our Pierre."

View this post on Instagram

Our KC and her/our Pierre. ?????????? @itskcconcepcion @peplassart

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Ilang buwan pa lang magkasintahan sina KC at Pierre, pero parehong suportado ng kani-kanilang pamilya ang relasyon nila.

September 2018 nang magbakasyon si KC sa bahay ng pamilya ni Pierre sa France, habang November 2018 naman nang magbakasyon si Pierre dito sa Pilipinas.

Bukas si KC sa pagsasabing kay Pierre niya naramdaman ang "unconditional love" na matagal na niyang hinahanap.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>KC Concepcion's French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart is back in the Philippines for the 18th birthday party of KC's sister Frankie Pangilinan.</p>
PHOTO/S: @peplassart Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results