Mariel Rodriguez, Liezl Sicangco heartwarming photo earns praises from netizens

by Rachelle Siazon
Dec 17, 2018
<p>Netizens give kudos to Mariel Rodriguez (in low-cut gown) and Liezl Sicangco for spreading good vibes on Kylie Padilla and Aljur Abrenica's wedding day last December 11. </p>
PHOTO/S: Instagram

Umani ng papuri muli sa netizens ang heartwarming moment sa pagitan nina Mariel Rodriguez at Liezl Sicangco sa araw ng kasal nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, noong December 11, sa Villa Milagros ancestral home sa Rodriguez, Rizal.

Si Mariel ang misis ni Robin Padilla, at anak nila ang dalawang taong gulang na si Isabella.

Si Liezl ay ex-wife ni Robin, at mayroon silang apat na anak—sina Queenie, Kylie, Zhen Zhen, at Ali Padilla.

Noon pa man ay positibo na ang komunikasyon sa pagitan nina Mariel at Liezl.

Pero lalong ikinatuwa ng netizens nang makitang magkasama ang dalawa at nagkakaisa sa kanilang pagmamahal para kay Kylie.

Base ito sa Instagram post ni Mariel, kung saan magkatabi sila ni Liezl habang pinagmamasdan ang bride.

Nagbigay-pugay rin si Mariel sa magandang pagpapalaki nina Robin at Liezl kay Kylie.

Sabi sa caption ni Mariel: "The reaction when you see a real life Angel [angel emoji] beautiful inside out @kylienicolepadilla raised by her parents @robinhoodpadilla @le1z_zel to be independent, strong, passionate and kind.

Continue reading below ↓

"An Ate @mariaisabelladepadilla can definitely look up to. We are so so so happy for you!!!"

IMAGE @theproudrad via @marieltpadilla Instagram

Ikinatuwa nang husto ng netizens ang magandang samahan nina Mariel at Liezl.

Ilan sa mga komento:

Continue reading below ↓

FATHER-DAUGHTER LOVE

Suportado rin ni Mariel ang paghatid nina Robin at Liezl kay Kylie sa altar patungo kay Aljur.

Paglalarawan pa ni Mariel sa father-daughter relationship nina Robin at Kylie: "The most special day for him. [heart emoji] Kylie is the original Daddy’s Girl.

"For all of the 8 years i have spent with @robinhoodpadilla it is only on this day where i saw actual tears from his eyes. The only time ever... i saw him tear up!!!

"He was so happy for his sweetest daughter [smiley] this day was blessed with so much love and it has been a privilege to witness it. [heart emoji]

"congratulations once again @kylienicolepadilla and @ajabrenica may you guys enjoy your first weekend as husband and wife. [more heart emojis]#AljurKyliEpicAfter"

Continue reading below ↓
IMAGE @theproudrad via @marieltpadilla Instagram

KYLIE THANKS MARIEL

Nagpasalamat naman sina Kylie at Aljur sa pagmamahal at suportang ibinibigay ni Mariel.

Habang si Robin ay proud husband sa kanyang "babe" na si Mariel.

Matatandaang si Mariel ang naging "tulay" upang maayos ang dating sigalot sa pagitan ng young couple at ni Robin.

Continue reading below ↓
IMAGE @proudrad via @marieltpadilla Instagram

Noong panahong iyon ay tutol si Robin sa relasyon nina Kylie at Aljur dahil hindi pabor ang action star sa pagbubuntis ng anak nang hindi pa kasal.

January 2017 nang unang maiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Kylie, at si Aljur ang ama.

Kasunod nito ang pagkumpirma ng young couple na engaged na sila.

Noong February 2018 o pagkalipas ng mahigit isang taon ay saka lang tuluyang nag-reconcile sina Aljur at Robin.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Netizens give kudos to Mariel Rodriguez (in low-cut gown) and Liezl Sicangco for spreading good vibes on Kylie Padilla and Aljur Abrenica's wedding day last December 11. </p>
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results